Manggagawa


ni Corazon de Jesus

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
Alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan
Mga apoy ng pawis mong sa balak ay kumikinang,
Tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
Nang lutuin mo ang pilak, ang salapi a lumitaw,
Si puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
Kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan;
Mula sa duyan ng bata ay kamau mo ang gumalaw,
Hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat kailain at itanghal,
Pagkat ikaw ang yumari nitong buong kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nang buhay ng walang wakas,
walang hanggan;
At hihinto ang pag-ikot nitong mundo
pag namatay.

This Tagalog poem is about how important a role Filipino laborers play in Philippine society, which was written by Jose Corazon de Jesus, one of the best poets in the history of Philippine literature.