Ang Buhay


Amando V. Hernandez

May isang dalagang maganda’t marilag,
Lahat nang naisi’y natatamong lahat;
Subalit ng minsang limutin ng liyag,
Ay lason ang kanyang nagging pahimakas.

May isang lalaking marunong at bantog,
Halos pati langit kanyang naaabot;
Ngunit nang bumagsak sa pagkakatampok,
Sa sariling buhay, punlo ang lumagot.

bayanihan_501c3_w590
May isang pulubing singhirap ng daga,
Kung ‘di makalimos, tutong man ay wala;
Kapit-tuko pa rin sa buhay na dusta,
Gayong usad-uod sa pagdaralita.

May isang matandang mistula nang pagong,
Hindi kayang dalhin ang bigat ng taon;
Tuwing magdarasal sa Mahal na Poon,
Mahabang buhay pa ang ibinubulong.

Kabalintunaan ang buhay sa mundo,
Paru-paro’y halos mamatay sa bango;
Ngunit sa libingan, sa tuntungang bato,
Namumulaklak pa ang kawawang damo.

May buhay na ilang ang nakakawangki,
malawak ay tigang sa anumang binhi;
may buhay na tulad ng kanaryong munti,
matamis ang awit sa bawat sandali.

Isang katanungang mahirap sagutin,
nanggalingsa wala’t saw ala hihimpil;
subali’t may taong buhay nga’y patay din
at may di magawang patayin ng libing.

Karaniwang tao ay buhay-alimang,
ngunit magiting ding nagsasapalaran;
binibigyang-mat’wid na ang asong buhay,
higit na mabuti kasya haring patay.

Madaling isilang ang tao sa mundo,
madalingmabuhay ang masmang damo;
subalit ang laging bilin ng nuno ko
“Atong, sikapin mong ika’y maging tao.”