Ang Florante at Laura
buod ng kwento
ni: Fancisco Baltazar
Nagsimula ang salaysay ng awit sa isang gubat na mapanglaw. Nakatali sa isang punong kahoy at naghihinagpis si Florante. Si Konde Adolfo ang dahilan ng kanyang kasawian at nawalan siya ng malay tao habang inaalala ang kasintahang si Laura.nalaman niyang pumayag daw si Laura na pakasal kay Konde Adolfo.
Sisilain ng dalawangleon si Florante nang siya ay iligtas ni Prinsepe Aladin ng Persya. Nang magkamalay tao si Florante, nagulat sya sapagkat nasa kandungan sya ng isang kaaway. Nagkapalagayan sila ng loob at isinalaysay ni Florante and buhay niya kay Prisepe Aladin.
Anak si Florante ni Duke Briseo na tagapayo ni Haring Liceo ng Alabanya, at ni Prosesa Floresca ng Crotona. Ipinadala sya ng ama sa Atena upang mag-aral at dtto niya nakaaway ang dati at panunahing mag-aaral na si Konde Adolfo na naiingit sa katanyagan ni Florante. Mabuti at nailigtas si Florante ni Menandro na pamangkin ng guro nilang si Antenor at kaibigang matalik ni Florante nang totohanin ni Adolfo ang pag-espada ni Adolfo kay Florante sa isa nilang palabas. Itinawag si Adolfo at ito’y umuwi sa Albanya.
Umuwi rin sa Albanya si Florante dahilan sa namatay ang ina niya. Noon naman humingi ng saklolo sa Albanya ang hari ng Crotona na lolo ni Florante. Bumuo ng pangkat na tutulong sa Crotona at si Florante ang ginawang pinuno nito. Bago nagtungo sa Crotona naging kasintahan ni Florante si Laura na anak ng hari ng Albanya.
Nagwagi si Florante sa Crotona at tinalo niya ang tanyag na heneral ng Persya, si Osmalik. Nang magbalik sa Albanya, nilusob at nakubkob ng mga Persyano ang Albanya. Tinalo rin nina Florante at Menandro ang mga Persyano.
Nilusob nina Florante at Menandro and Etolia nang tumanggi ng tawag si Florante mula sa hari ng Albanya at siya ay pinauwi. Patibong lamang iyon ni Adolfo na umagaw sa kaharian. Pinatay ni Adolfo si Haring Liceo at Duke Briseo. Dinakip ng mga kawal ni Adolfo si Florante at ipinagapos sa gubat habang pinipilit si Laura na pakasal kay Adolfo.
Si Aladin naman ang nagsalaysay ng buhay niya. Anak siya ng sultan ng Persya, si sultan Ali Adab, at siya ang namuno sa mga persyanong lumusob sa Albanya. Nagbalik siya sa Persya at gali siyang ipinahuli ng kanyang ama sa bintang na pinabayaan niya sa pakikipaglaban sa Albanya kay natalo ang mga Persyano. Pinalaya lamang siya nang pumayag si Flerida, ang kasintahan niya, na pakasal sa sultan. Ngunit tumakas si Flerida nang palayain si Aladin at hinanap niya si Aladin. Masayang tinig ng mga babae and pumukaw sa pag-uusap ng dalawa. Sina Flerida at Laura ang dumating.nailigtas ni Flerida si Laura sa tangkang panggagahasa ni Konde Adolfo sa gubat. Pinana ni Flerida ang taksil.
Pamaya-maya dumating ang pankat nina Menendro. Nagbalik ito mula sa Etolia, at tinalo ang pangkat ni Adolfo. Kaya itinakas ni Adolfo si Laura at nais pagsamantalahan.
Sa Albanya muna nanirahan sina Aladin at Flerida na kapwa nagpabinyag bilang kristiyano habang hindi pa namamatay si Sultan Ali Adab. Nang mamatay na ang sultan, nagbalik sa Persya sina Aladin at naghari doon. Sina Florante at Laura naman ang namuno sa Albanya.