Ang Mga Epiko sa Pilipinas
Mga Anda ng Epiko:
1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling tahanan.
2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan.
3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal.
4. Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan.
5. Patuloy na pakikidigma ng bayani.
6. Mamamagitan ang isang bathala para matigil ang labanan.
7. Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo.
8. Pagkamatay ng bayani.
9. Pagkabuhay na muli ng bayani.
10. Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan.
11. Pag-aasawa ng bayani.
Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa atema, ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipakikita ng
epiko ang kultura ng isang pangkat ng tao.
Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema
• katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani
• mga supernatural na gawa ng bayani
• pag-ibig at romansa
• panliligaw – pag-aasawa – pagbubuntis – mga yugto ng buhay
• kamatayan at pagkabuhay
• pakikipaglaban at kagitingan ng bayani
• kayamanan, kaharian at iba’t ibang mga kasiyahan o piging
• mga ritwal at kaugalian
• ugnayan ng magkakapamilya
Ang Lalaking Bayani
Sa pagbabasa ng mga epiko, agad na makikita ang katangian ng isang bayani. Karamihan sa kaniyang mga katangian ay mauuri sa alinman sa sumusunod: pisikal, sosyal, at supernatural. Maaari ding isama ang kaniyang intelektwal at moral na katangian
Ang Pangunahing Babaeng Karakter
Ang pangunahing babaeng karakter ay kadalasang ang babaeng iniibig ng bayani o maaari rin namang tinutukoy rito ang kanyang ina.
Ilang Epiko sa Pilipinas
Biag ni Lam-ang- Ilokos
Maragtas- Bisaya
Bantugan- Mindanao
Hudhud – Ifugao
Darangan – Muslim