Ang Pinagmulan ng Bohol


Salin ni Patrocinio V. Villafuerte

Ang mga tao noon ay naninirahan sa kabila ng ulap. Isang araw, ang kaisaisang anak na babae ng Datu ay nagkasakit. Hindi mapalagay ang Datu.
“Tanod, may sakit ang anak ko. Humayo ka, papuntahin mo rito ang manggagamot. Ngayon din!”
“Ngayon din po, Mahal na Datu!”
Nang dumating ang matandang manggagamot at ang tanod sa tahanan ng Datu…
“Magagawa ng matandang lalaki ang anuman na makagagaling sa kaniya!” ang sabi ng Datu.
Sinuring mabuti ng matandang manggagamot ang maysakit.
Pagkatapos ng pagsusuri, nag-usap ang manggagamot at ang Datu sa labas ng
kubo. Tumawag ng pulong noon din ang Datu. . .
“Mga kalalakihang nasasakupan ng aking barangay, makinig kayo sa akin. May sakit ang aking anak na babae at ang tanging hinihiling ko ay ang inyong tulong. Sundin ninyong lahat ang mga tagubilin ng manggagamot upang magbalik ang dating lakas ng aking anak.”

“Mga lalaki, dalhin ninyo ang maysakit sa malaking puno ng balite. Hukayin ninyo ang lupang nakapaligid sa mga ugat, ang utos ng manggagamot.
“Gagawin namin ang iyong ipinag-uutos alang-alang sa pagmamahal namin sa Datu at sa kaniyang kaisa-isang anak na babae!”
Nagsimulang kumilos ang mga tauhan ng Datu. Pinuntahan nila ang lugar na kinatatayuan ng puno ng balite. Ang may sakit na anak ng Datu ay isinakay sa duyan.

Hinukay ng ilang lalaki ang lupa sa paligid ng mga ugat ng puno ng balite. Nang ito‟y matapos…
“Dalhin ang maysakit sa kanal! Ang tanging makagagaling sa kaniya ay ang
mga ugat ng malaking puno ng balite.” Buong ingat na inilagay sa kanal ang
maysakit.
Ngunit sa di-inaasahang pangyayari, bumuka ang lupa. . .
“Ooooops, Aaaa. Ama ko, tulungan ninyo ako. Ama…”
Ang babae‟y tuluyang nahulog sa hukay ng ulap.
“O, Diyos ko, ang aking anak. Ibalik ninyo siya sa akin. . . O, hindi! Ang
aking anak!”
“Huli na ang lahat, Datu. Siya‟y patay na.!”
Sa ilalim ng ulap ay may malaking daluyan ng tubig. Gumulong sa hangin
ang maysakit bago tuluyang bumagsak ang kaniyang katawan sa malaking daluyan
ng tubig. Nakita ng dalawang bibe ang pagkahulog ng babae.
“Isplas! Wasss! Isplas!
Nagmamadaling lumangoy ang dalawang bibe at mabilis na bumagsak sa
likod nila ang katawan ng babae. Sa kanilang mga likod namahinga ang maysakit.
“Kwak, kwak, kwak, kwak!”
At isang pulong ang idinaos.
”Ang babaeng kababagsak lamang mula sa ulap ay labis na nangangailangan
ng tulong. Kailangang tulungan natin siya.”
“Oo, dapat tayong gumawa ng bahay para sa kaniya.”
“Lumundag ka palaka, at dalhin mo ang dumi ng puno sa ibaba,” ang utos ng
pagong.
Sumunod ang palaka ngunit hindi siya nagtagumpay. Inutusan naman ng
malaking pagong ang daga. Siya man din ay sumunod ngunit nabigo.
Hanggang sa. . .
“Susubukin ko, ang kusang-loob na sabi ng malaking palaka.

Sa pagkakataong ito, ang lahat ng hayop ay nagsigawan at naghalakhakan,
maliban sa malaking pagong.
“Natitiyak naming hindi mo iyon magagawa. He-he-he! Ha-ha-ha.”

“Subukin mo, baka ikaw ang mapalad.”
Huminga nang malalim ang matandang palaka at nanaog. . . nanaog. . Sa
wakas, ang samyo ng hangin ay dumating at sumunod ang matandang palaka. Sa
kaniyang bibig, nagdala siya ng ilang butil ng buhangin na kaniyang isinabog sa
paligid ng malaking pagong. At isang pulo ang lumitaw. Ito ang naging pulo ng
Bohol. (Kung susuriin ang likod ng pagong, mapapansin ang pagkakatulad nito sa
hugis at anyo ng Bohol). At dito nanirahan ang babae. Nanlamig ang babae kaya‟t
muling nagdaos ng pulong. . .
“Kailangang gumawa tayo ng paraan para siya mainitan.
“Kung makaaakyat ako sa ulap, makukuha ko ang kidlat at makagagawa ako
ng liwanag, “ang sabi ng maliit na pagong.
“Gawin mo ang iyong magagawa. Marahil ay magiging mapalad ka.
Isang araw, nang hindi pa gaanong dumidilim, uminog ang ulap at tinangay
ang pagong nang papaitaas.
“Uww-ssss !
Mula sa ulap, kumuha siya ng kidlat. . .
Nabuo ang araw at ang buwan na nagbigay ng liwanag at init sa babae. Mula
noon, nanirahan ang babae sa piling ng matandang lalaking nakita niya sa pulo. At
nanganak siya ng kambal. Sa kanilang paglaki, ang isa‟y naging mabuti at ang isa‟y
naging masama.
“Ihahanda ko ang Bohol sa pagdating ng mga tao.”
Ang mabuting anak ay gumawa ng mga kapatagan, mga kagubatan, mga ilog
at maraming hayop. Lumikha rin siya ng mga isdang walang kaliskis. Ngunit ang
ilan sa mga ito‟y sinira ng masamang anak. Tinakpan niya ng makakapal na kaliskis
ang mga isda kaya‟t mahirap kaliskisan ang mga ito.
“Ano ang ginawa mo?”
“Walang halaga lahat „yan.”
“Walang halaga?”
“Bakit mo pinahihirapan ang iyong sarili sa paggawa rito? Hangal ka!”
“Inihahanda ko ang lugar na ito para sa pagdating ng mga tao.”

“Dito? Dito‟y wala tayong kinabukasan. Samantalang sa ibang lugar ay hindi
ka kailangang gumawa. Isa kang baliw !

Kaya‟t naglakbay sa kanluran ang masamang anak. Dito siya namatay.
Samantalang ang mabuting anak ay nagpatuloy sa pagpapaunlad ng Bohol at inalis
ang masasamang espiritung dala ng kaniyang kapatid. Hinulma ng mabuting anak
ang mga Boholano sa pamamagitan ng pagkuha ng dalawang lupa sa daigdig at
hinugis ang mga ito na katulad ng tao. Dinuran niya ang mga ito. Sila‟y nabuhay.
“Ngayong kayo‟y naging lalaki at babae, iniiwan ko sa inyo ang magagandang
katangiang ito: kasipagan, mabuting pakikitungo, katapatan kabutihang-loob at
pagiging mapagmahal sa kapayapaan.”
Ikinasal ang dalawa at nagsama. Isang araw, kinausap sila ng mabuting
anak.
“Narito ang iba‟t ibang uri ng buto. Ibig kong itanim ninyo ang mga butong ito
para kayo ay matulungan. Gawin ninyong laging sariwa at magandang tirahan ang
lugar na ito.”
Nang malaunan, ang mabuting anak ay lumikha ng igat at ahas katulad ng
isda sa ilog. Lumikha rin siya ng malaking alimango.
“Humayo kayo, dakilang igat at dakilang alimango saan mang lugar na ibig
ninyong pumunta.”
Sinipit ng malaking alimango ang malaking igat. Nagkislutan ang dalawa at
ang kanilang paggalaw ang lumikha ng lindol.
Ito ang dahilan kung bakit maraming alimango sa Bohol, maging sa lupa o sa
dagat, at ang igat na kauna-unahang nilikha ng mabuting anak. Gustong-gusto itong
kainin ng mga Boholanos. Hindi sila kumakain ng palaka dahil iginagalang nila ang
mga ito. Hindi rin nila kinakain ang mga pagong katulad ng ibang mga Bisaya kahit
maaaring ihain ang mga ito sa handaan.

This is the legend of Bohol, the story of its beginning according to our Filipino ancestors.