ANG UNANG HARI NG BEMBARAN
(Alamat ng Maguindanao)
Salin ni Venacio L. Mendiola ng “The First Ruler of Bembaran”
ni Bolawan Manalisig/Lawa Cali
Noong unang araw, kakaunti ang mga tao sa mundo at marami sa kanila ang mangmang at walang tao sa kanilang gawain at bagamat di pa umuunlad ang lugar na ito ay masasabing maganda na. Sa buong Bembaran, kulang lamang na 20 pamilya ang nasasakop ng Ayonan, si Diwantandaw Gibon.
At sapagkat malapit sa dagat ang Bembaran ang mga alon ay sumasalpok sa gitna nito. Nababatid ng mga tao na walang kasingganda ang kanilang pook. Batid nilang ligtas sila sa kanilang mga kaaway pahintulot buhat sa kinatatakutang tagapayong ispiritwal, si Pinatolo i kilid, ang kakambal na isipiritu ni Diwatandaw Gibon, ang unang hari ng Iliyan at Bembaran. Walang palagiang anyo ang ispiritung ito. Sa dagat, ito ay buwaya; sa lupa ito ay isang tarabosaw* at sa himpapawid, ito ay isang garuda.
Isang araw ang mga tao sa Torogan ay nabahala sapagkat napansin nila na malungkot ang Ayonan. Inanyayahan ni Mabowaya Kaladanan, isa sa mga nakatatanda, na magpunta s torongan upang tulungan ang Ayonan sa kanyang suliranin. Nang ang lahat ay naroroon na, nagtanong si Dinaradiya Rogong, isang iginagalang na pinuno, sa kapulungan kung may nakakaalam sa lugar, na kasingganda at kasingyaman ng Bembaran, na kung saan may nakatirang prinsesa na maaaring mapangasawa ni Diwatandaw Gibon. Ang lahat
ay nag-isip sumandali ngunit walang makapagsabi ng ganoong lugar. Tumayo si Dinaradiya Rogong at iginala ang kanyang paningin sa mga taong nangakakatipon upang alamin kung ang lahat ng tao roon ay dumalo. Pagkatapos ay namataan niya ang isang mangingisdang
nakaupong malapit sa pinto at malayo sa karamihan. Tinawag niya ito at tinanong “Samar, sa lahat ng iyong pangingisda sa iba,t ibang lugar, nakarating ka na ba sa isang lugar na kasingganda ng Bembaran, na may isang magandang prinsesa na maipapantay sa ating Ayonan?”
Ngumiti ang mangingisda at nagsalita: “Opo, dato, alam ko ang ganyang lugar at ito’y di maihahambing sa ganda sa anumang bagay rito. Ito’y tinatawag na Minango’aw at
ang pangalan ng hari ay Minangondaya a Linog. Ang hari ay may isang anak na babae na pinangalanang aya Paganay Ba’i, ang pinakamagandang babae sa pook.”
Nang marinig ng mga tao ang sinabi ng Samar, napagusap–usapan sila. Marami
ang naniniwala sa kanyang sinabi sapagkat siya’y isang mangingisda at maaaring nakita
niya ang lugar. Ngunit nagalit si Dinaraduya Ragong sapagkat siya’y marami ring nalakbay
at kailan man sa kanyang paglalakbay ay hindi siya nakatagpo o nakarinig ng tungkol dito.
Naisip niyang nagbibiro ang Samar o niloloko sila kaya’t nagbabala siya: “Mag-ingat ka sa
iyong sinasabi. Nakapaglakbay ako sa maraming lugar at kalian ma’y di ko narinig ang
ganyang lugar. Mabuti pa’y magsabi ka ng totoo ‘pagkat hahanapin naming ang lugar na ito,
at parurusahan ka naming kapag hindi naming natagpuan ito.”
Tiningnan ng Samar ang datu at nakita niyang namumula sa galit ang mukha nito.
Lumundag siyang palabas sa torogan. Nagpunta ang ibang pinuno sa Dinariya a Rogong at
hinikayat siyang hanapin ang Minago’aw a Rogong. Nang sumunod na araw, naghanda sila
sa kanilang paglalakbay at nanguha at naghanda ng pagkain at ilang pangangailangan.
Nang handa na ang lahat, umalis ang pangkat ngunit sa halip na maglayag sa karagatan,
sila’y naglakbay sa dalampasigan at nagtatanong sa mga tao kung saan nila matatagpuan
ang Minago’aw. Ngunit wala kahit sinuman ang nakarining sa ganoon lugar.
*tarabosaw – isang higanteng kumakain ng tao at hayop
garuda – agila
Pagkatapos ng isang buwan paglalayag, nakakita sila, isang madaling araw, ng
dalawang mangingisdang nag-aaway. Nang halos magpang-abot na ang dalawa,
nangagsidating ang mga lalaki sa Bembaran at sumigaw si Diwatandaw Gibon, “Hinto!
Kung kayo’y maglalaban, masasaktan kayo o mamamatay at magdurusa anuman ang
mangyari. Isipan ninyo ang inyong mga pamilya!” Huminto sa pag-aaway ang dalawa at
tinanong ng hari kung saan sila nakatira. Sumagot ang isa sa kanila, “Dato, ako’y taga-
Minango ‘aw.” Nang marinig nila ito, nagalak ang pangkat sapagkat natapos na ang
kanilang paghahanap.
Inutusan ng Ayonan ang mga mangingisda na lumipat sa kanilang bangka upang
patnubayan sila sa pagpunta sa kanyang lugar. Sa paglalakbay pinagtatanong nila ang
mangingisda na kanya naming sinagot sa kanilang kasiyahan. Noong papalapit na sila sa
bukana ng look, nakiusap ang mangingisda na magpauna sa kanila sa kanyang sariling
bangka upang ipagbigay-alam sa kanyang hari ang kanilang pagdating at ibalita sa kanya na
sila’y mga kaibigan, at hindi mga pirata. Pagkalunsad nito, dali-dali siyang nagtuloy sa
torogan ibinalita sa Ayonan ang tungkol sa mga panauhin. Tinipon ng hari ang kanyang
mga nasasakupan at napagkasunduan nilang salubungin ang mga panauhin sa
dalampasigan.
Naghanda ng isang malaking piging ang hari ng Minango’aw para sa kanyang mga
panauhin. Nag-handa ang mga babae ng masasarap na pagkain. Pagkakain nag mga
panauhin ay inaliw nila sa pamamagitan ng sayaw kolintang, sagayan at ang lahat ng uri ng
paligsahan sa pag-wait o sak’ba. Nang matapos na ang lahat ng uri ng palaro, tumayo at
nangusap ang tagapag-salita ng hari at tinanong ang mga panauhin kung bakit sila
nakarating sa Minango’aw. Ang kinatawan ng Diwatandaw Gibon ay tumayo. Sinabi niya
na dinala nila ang kanilang batang hari at magalang na ipinakilala. Pagkatapos ay nalaman
ng mga tao na ang sadya ng mga panauhin ay upang pakasalan ng Ayonan ang kanilang
prinsesa.
Tinanggap ang handog at ang paghahanda ay nagsimula. Napakasaya ni
Diwatandaw at ang kasal ay ginanap sa gitna ng kasayahan at labis na pagpipiyesta.
Namalagi si Diwatandaw Gibon sa Minango’aw ng limang taon at sa panahong ito’y
nanganak ng dalawang lalaki ang kanyang kabiyak. Hinandugan siya ng kanyang biyenan
ng korona nito at kapangyarihan. Sa buong panahong naturan, hindi niya dinalaw ang
Bembaran at nagyon siya’y puno ng malakas na pag-asam at pananabik na makabalik sa
kanyang lupain. Nilapitan niya ang kanyang biyenan at nagsabi: “Aking biyenan, kung
pahihintulutan ninyo, nais kong makabalik sa Bembaran. Ibig kong makita kahit ang damo
ng pook na aking sinilangan.”
Tumango si Minangondaya Linog. “Tama ka. Humayo k.” Pagkatapos ay
tinawagan niya ang kanyang dalawang apo, inakbayan ang bawat isa at sinabi sa
nakatatanda: “Ikaw ay si Tominaman sa Rogong. Balang araw pupunta ka sa Bembaran,
ang lugar ng iyong ama. Katungkulan mong paunlarin ang lugar at pasayahin ang mga tao
ng Bembaran.” Bumaling sa nakababata at sinabi: “Ikaw ay si Mangondaya Boyisan.
Bilang bunso dapat mong tulungan ang iyong kapatid sa pagpapaunlad ng Bembaran at
Minango’aw. Humanda ka sa pagtulong at pagtatanggol sa mga tao sa dalawang lugar na
ito.”
Pagkatapos ay binigyan ng hari ang dalawa niyang apo ng sumusunod na pamanang
gamit: isang mahiwagang bangka, ang Riramentaw Mapalaw, na lalong kilala bilang
Rinayong , na nakapaglalayag sa dagat na hindi na kailangan ang sagwan sapagkat ispiritu
ang nagpapadpad dito. Binigyan rin niya ang mga apo ng isang agong na pinangalang
Magandiya a Oray. Ito’y minana pa niya sa kanyang lolo, isang ginintuang agong na kung
pinapalo ay maririnig sa lahat ng lugar ang tunog at kagyat na matatawag ang lahat ng tao;
at dalawa pang agong: Rogongan a Posaka at Momongara Dayiring.
Tinawag niya ang kanyang anak na si Prinsesa Aya Paganay Ba’i. Nang lumapit ang
prinsesa at maiharap sa kanya ama, sinabi ng ama sa anak na maaari siyang magtungo sa
Bembaran kasama ng asawa at mga anak. Pagkatapos ay kanyang pinayuhan ang anak.
“Anak ko, ang iyong unang katungkulan ay sundin ang iyong asawa at pangalagaan ang kanyang kalusugan kapakanan. Mahalin mo siya at alaming kapwa kayo mabuhay
nagkakasundo. Buhayin at mahalin mo ang inyong pamilya at tingnan mo na sila’y nasa
mabuting kalusugan.
“Ipaglaban mo ang iyong karapatan at ang karapatan ng iyong hari. Humanda kang
ipagtanggol ang iyong dalawang bansa ng Bembaran at Minango’aw. Igalang mo ang mga
matatanda at bata. Mahalin mo ang mahihirap at ang mga ulila. Bigyan mo ng pagkakataon
ang bawat isa na magtagumapy sa buhay. Maging matapat ka sa lahat.
“Kung dumating ang mga panauhin, tanggapin mo silang pantay-pantay kahit na sila
ay maharlika pa alipin. Turuan mo ng mabubuting bagay ang iyong mga anak. Lagi mong
tupdin ang anumang pangako. Maging mabuti kang maybahay at panatilihing mong malinis
ang iyong bahay, sa loob at labas, sa ibaba at itaas, pati ang bakuran.
Tinapos ng Ayonan ang kanyang pangaral at hinati ang kanyang ari-arian sa dalawa.
Kalahati ang ibinigay niya sa anak niyang prinsesa sa kanyang pag-alis. Dinala ni
Diwatandaw Gibon ang kanyang mag-anak at ang lahat ng kayamanan ibinigay sa kanila ng
kanyang biyenan. Sakay ng Rinayong, siya ay naglalakbay kasama ng kanyang mag-anak.
Nang malapit na sila sa bayang sinilangan, inutos ni Diwatandaw Gibon na patunugin
ang mga agong sa buong lupain upang ibalita ang kanyang pagdating. Nagtakbuhan ang
mga taga-Bembaran at inilabas ang lahat ng kanilang mga bandera at magagandang mga
palamuti at iniladlad ang mga ito. Ang mga bandera at palamuti ay masayang dinapyuan ng
amihan at ang lahat ng bahay sa daanan at nagpatugtog ng kolintang. Ginayakan ang isang
tanging silya at dinala sa dalampasigan samantalang sa torogan ay may itinanghal na mga
pamanang ari-arian na yari sa tanso, pilak at ginto.
Sa pagadaong ng bangka, nagpaputok ng kanyon upang salubungin si Diwatandaw
Gibon at ang kanyang mag-anak. Pumila ang lahat ng tao sa dalampasign at sila’y
masayang sumalubong sa Ayonan at sa kanyang magandang asawa at mga anak. Dinala
nila ang silyang pinalamutian nang magandang tangkongan – para upuan ni Aya Paganay
Ba’i at binuhat siyang buong ringal at kamaharlikahan papunta sa torongan.
Tatlong taon ang matuling lumipas sa Bembaran. Isang araw, habang ang Ayonan
at ang kanyang asawa ay nakaupo sa lamia* namasdan ni Diwatandaw Gibon n kakaunti
ang mga batang nagsisipaglaro sa bakuran. Naisip niya, na kaawa-awa na ang isang
maganda at mayamang lugar tulad ng Bembaran ay may kakaunting tao lamang na
magtatamasa nito? Tinanong niya ang asawa. “Ano ang palagay mo sa kaisipang ito?
Papayagan mo ba akong mag-asawa ng marami pang mga babae upang madagdagan ang
populasyon ng Bembaran? Narining ko na maraming mabubuting mga babae sa
Lombayo’an a Lena, Kodaranyan a Lena, Bagombayan Miyaraday dali’an at sa Minisalaw
Ganding.”
Nagulat ang prinsesa. Nasabi niya sa sarili na kung nalaman lamang niya na
binabalak niyang gawin ito, disin sana’’y hindi siya pumayag na magtungo sa Bembaran.
Malakas niyang sinabi, “Mahal kong asawa, napakahirap kong tanggapin ang balak mo.
Kung maririnig ng mag-anak ko ang ang iyong kagustuhan na mag-aasawa ng mga ibang
babae, makakagalitan nila ako at sisisihin tungkol dito. Sa palagay ko’y magiging mabuti
para sa iyo na ako’y diborsyuhin mo upang malaya mong mapangasawa gaano man
karaming babae ang gusto mo. Babalik ako sa Minango’aw sa sandaling payagan mo ako.”
Niyakap ni Diwatandaw Gibon ang asawa at sinabi sa kanya, “Huwag ka nang mag-
alala. Nagbibiro lamang ako.” Pinangako niya ang asawa at ipinaghele sa kanyang braso.
Umawit siya ng “pinakamamahal kong kabiyak, huwag kang magalit sa akin sa pagkabitiw ko ng mga salitang nagbigay pasakit sa iyong kalooban. Alam ko na nagpalungkot ito sa
iyo, ngunit katungkulan ko bilang isang namumuno na magbalak at mag-aral at mag-isip
tungkol sa ikauunlad ng kanyang kaharian. Ang mag-isip, ang magbalak kumilos – ito ang
mahalagang katungkulan ng isang namumuno maging lalaki o babae. Dapat niyang pag-
aralan ang lahat ng bagay upang matuklasan kung alin ang totoo, alin ang mali at alin ang
biro lamang.” Nakinig siya sa kanyang mahinang awit at pinakiusapan niyang ibaba siya sa
malaking panggaw.*
Tinawag ng prinsesa ang kanyang asawa sa kanyang tabi at winika sa kanyang
asawa, pag-uusapan pa natin ang iyong balak. Sa palagay ko ay tama ka. Dapat ngang
magkaroon ng maraming nasasakupan ang Bembaran. Makinig ka, kung kulangin ang
iyong ari-arian sa paghahanda sa kasal sa lahat ng mga babaeng yaon, sabihin m osa akin
upang makakuha pa ako ng ilang ari-arian ko sa Minango’aw.”
Nang sumunod na araw tinipon ni Diwatandaw Gibon ang lahat ng tao ng Bembaran
at ipinahayag ang kanyang mga balak. Ang mahiwagang bangkang Rinamentaw ay
inihanda at pagkatapos matipon ang lahat ng kailangan, sinimahan ng piling tauhan si
Diwatandaw Gibon sa panliligaw. Una silang nagpunta sa
Kodarangan a Lena para kay Walayin Dinimbangew, sa Bagombayan a Lena para kay
Walayin Pitagaman, sa Songgaringa a dinar para kay Walayin si Remotak at sa Minisalaw
Ganding para kay Walayin Mangobabaw.
Kasama ang kanyang mga bagong asawa, bumalik si Diwatandaw Gibon sa
Bembaran at sa sandaling marating niya ang Baroraw a Lena’an ang lugar ni Pamanay
Masalayon, sa pagitan ng Bembaran at Kadera’an, inutos niyang patunugin ang mga agong
upang malaman ng lahat ang kanilang pagdating at makapaghanda sa pagsalubong sa
kanya at sa kanyang mga bagong asawa.
——————————————
* lamia – ang tore ng prinsesa
panggaw – kama
Nang marinig ni Aya Paganay Ba’i ang agong siya’y di mapalagay at malungkot
sapagkat alam niya ang kahulugan nito. Pinawisan mabuti ang kanyang mukha. Ngunit
naalala niya ang itinuro sa kanya ng kanyang magulang at gaya ng isang tunay na
mahinhing babae, tumindig siya at tinawag ang lahat ng mga kababaihan at mga alipin.
Inutusan ang bawat isa na maglinis at gayakan ang torogan at ang lahat ng kapaigiran nito.
Naghanda siya ng limang malalaking silid tulugan, pinalamutian ang mga ito, at hinintay niya
ang pagdating ng asawa.
Dumating ang Ayonan at magiliw na binati ang kanyang asawa at ipinakilala ang
mga bagong asawa sa kanya. Binati niya sila nang magiliw at sinalubong sila sa Bembaran.
Kaya ang hari at ang kanyang mga asawa ay nabuhay nang magkakasundo sa maraming
taon. Buhat sa kanyang limang asawa, nagkaroon ng maraming anak si Diwatandaw Gibon,
na pawang babae. Sila’y sina Mabolawan Pisigi ng Kadorangan a Lena; Walayin
Dirimbangen o Mapatelama Olan ng Lambayo’an a Lena; Garugay a Rawatan ni
Bagombayan a Lena; Romentak a Bolawan ng Sanggiringa a Dinar at Mapagalong an sirig
ng Minisalaw Ganding.
Pagkatapos mabuhay ng maligaya ng labinlimang taon, tinipon ni Diwatandaw Gibon
ang kanyang malaking pamilya isang araw at nagsimula siyang magbigay ng kanyang huling
testamento. Nakaupo sa kanyang silya, nag-atas siya sa kanila. Sinabi niya sa kanyang
mga asawa na kung ayaw nilang magbalik sa kanilang tahanan pagkamatay niya, manatili
sila sa Bembaran at pantay-pantay sila ayon sa kapangyarihan ng aya Paganay Ba’i.
Inamuki niya ang kanyang dalawang anak na lalaki na magpakabuti sapagkat pagkamatay niya, sila ang papalit sa kanya. Binalangkas niya para sa kanila ang pagiging mabuting
pinuno.
“Kung makarinig kayo na anumang alitan sa inyong nasasakupan,” simula niya,
“dapat ninyo itong ayusin sapagkat katungkulan ninyo ito, anyayahan man kayo o hindi na
ayusin ito. Huwag kayong kakampi sa anumang panig upang ang inyong pagpapasya ay
maging karapt-dapat. Kung may utang na babayaran at ang isang panig ay kulang sa
salapi, ibigay ito buhat sa sarili ninyong salapi.
“Mayroon kayong limang kapatid na babae. Pagsapit ng panahon na sila ay dapat
mag-asawa isangguni ang tungkol dito sa inyong kamag-anak, sa panig ko at sa panig ng
inyong ina. Huwag kayong makikialam, kahit anuman ang mangyari hanggat nagkakasundo
ang dalawang panig sapagkat alam nila na kayong dalawa ang huli nilang daraingan at
hihingan ng kapasyahan.”
“Lagi ninyong ipagtanggol ang mga karapatan ng inyong mga nasasakupan sa
Bembaran at Minango’aw. Kayo ang kanilang tagapagtanggol at may karapatan silang
asahan ito sa inyo sapagkat kayo’y aking mga anak.”
“Kung may sinumang magsalita laban sa inyo, kahit sino man sila, maging dugong
bughaw, mga karaniwang mamamayan, matanda o bata, dayuhan o katutubo, lalaki o
babae, huwag kayong sasagot kaagad. Isipin munang mabuti ang bagay-bagay. Kung ito’y
gagawin ninyo, hindi kayo magkakamali. Maging mapagpatawad kayo at matiyaga. Gayon
man, kung ang pag-insulto ay inulit pa, hamunin ang tao at ipagtanggol ang inyong
karangalan hanggang kamatayan.”
Ang pamana ko lamang sa inyo ay ang mahahalagang manang-ari at iba pang ari-
arian. Alagaan ninyo ang mga ito, lalung-lalo na ang torogan, ang tore, ang bangkang
Rinamentaw, ang tatlong agong, Magindaya a Oray, Rogongan at Momongano Dayiring.”
Pagkatapos mawika ang mga ito, namatay si Diwatandaw Gibon. Namahala sa lahat si Aya Paganay Ba’i. Inutos niya na palamutian ang torogan at pinatugtog sa mga tao ang lahat ng mga agong. Iniutos niyang isabit ang lahat ng bandera sa paligid ng torogan at sa harap ng bakuran nito. Nagtayo ang mga tao ng osonan upang ipahiwatig sa lahat ng kalapit na upang dumalo sa libing ng patay na hari at pinagsabihan rin ang lahat ng kamag-anak ng kanyang limang asawa.
Pagkalibing sa Ayonan, ipinaayos ang kasal ng kanyang anak na lalaking si Tominamansa Rogong kay Prinsesa Lalawanan ng Jolo. Pagkatapos ng kasalan, namuno si Tominaw sa Rogon sa Bembaran na sinusundan ang bakas ng kanyang ama, ang matalinong Haring Diwatandaw Gibon, ang unang hari ng Iliyan a Bembaran.