Biopoem
Ang biopoem ay isang porma ng tula na naglalarawan at nagpapakilala sa isang tao sa loob ng labing-isang (11) linya lamang.
Pangalan
4 na pang-uri na naglalarawan sa tao
Anak nina (pangalan ng kanyang mga magulang)
Nagmamahal sa/kay/kina (mga bagay/tao na mahalaga o kinahihiligan niya)
Tatlong damdaming kanyang nararamdaman
Nangangailanag ng (tatlong bagay na kailangan niya)
Nagbibigay ng (tatlong bagay na binibigay niya sa iba)
Takot sa (tatlong bagay na kinatatakutan niya)
Nais niyang makitang/ makita ang (isang bagay na nais niyang makita o masaksihan)
Mamamayan ng (lugar na parati niyang inuuwian o tinatambayan)
Apilyedo
Mga halimbawa ng biopoem sa Filipino
Jessica
Masayahin, madaldal, sumpungin,
Anak ni Nanay
Nagmamahal sa alagang kambing, mga aklat at ulan
Naiinis, nagagalit, nasisisyahan
Nangangailangan ng asukal, kaibigan at gamot sa kabaliwan
Nagbibigay ng sama ng loob, katatawanan at ulam
Takot sa mga lasing, masamang panaginip at tagihawat
Nais niyang makita ang ginto sa dulo ng bahaghari
Mamamayan ng kusina
Dela Cruz
Jose
Matalino, mapagmahal, makabansa
Anak nina
Nagmamahal sa mapakaraming mga babae, sa pagsusulat at sa bansang Pilipinas
Nagnanais, naaawa, umiibig,
Nangangailanagan ng tinta, papel at kalayaan
Nagbibigay ng pag-asa, nobela at gamot
Takot sa pang-aapi ng mga dayuhan
Nais niyang makitang Malaya ang mga Pilipino
Mamamayan ng Pilipinas
Rizal