Archive for the 'Amado Hernandez' Category

KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN

Wednesday, August 6th, 2014

Amado V. Hernandez Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa: Ang bandilang sagisag mo?y lukob ng dayong bandila, Pati wikang minana mo?y busabos ng ibang wika, Ganito ring araw nang agawan ka ng laya, Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

Ang Buhay

Wednesday, August 6th, 2014

Amando V. Hernandez May isang dalagang maganda’t marilag, Lahat nang naisi’y natatamong lahat; Subalit ng minsang limutin ng liyag, Ay lason ang kanyang nagging pahimakas. May isang lalaking marunong at bantog, Halos pati langit kanyang naaabot; Ngunit nang bumagsak sa pagkakatampok, Sa sariling buhay, punlo ang lumagot.

Isang Dipang Langit

Wednesday, August 6th, 2014

ni Amado V. Hernandez (Bartolina ng Muntinlupa – Abril 22, 1952) Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin, katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay […]