Archive for the 'Folk Stories' Category

Alamat ng Kasoy

Tuesday, October 18th, 2011

Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman.

Alamat Ng Puno Ng Niyog

Tuesday, October 11th, 2011

Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak. Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahihirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito. Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang […]

Alamat ng Bundok Pinatubo

Tuesday, October 11th, 2011

Alamat ng Luzon Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw. Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sa paligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu. Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas. Malungkot […]

Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti

Friday, November 12th, 2010

Pabula ng Maranao Batay sa pananaliksik ni Dr. Nagsura Madale Si Lalapindigowa-i (isang putakti) ay isang masipag na magsasaka. May dalawa siyang asawa, sina Odang (hipon) at si Orak (itlog). Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya masipag na magsasaka kundi isang tapat na asawa. Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang dalawa niyang asawa.

Si Amomongo at si Iput-Iput

Tuesday, November 2nd, 2010

Visaya (Ang Gorilya at ang Alitaptap) Ang pabulang ito ay isa lamang sa kalipunan ng mga Bisaya na naglalarawan ng paglalaban sa pagitan ng maliliit na insekto at malalaking hayop.

Ang Pinagmulan ng Kodla ng mga Ifugao

Thursday, October 28th, 2010

Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo ng “The Origin of the Ifugao Kodla” Noong unang panahon ay may mag-asawang naninirahan sa Lamut na nangngangalang Cabigat at Bugan. Sila ay masasaya dahil marami silang nakukuhang pagkain at mga hayop. Isang araw lumabas si Cabigat upang mamasyal na karaniwag isinasagawa sa mga kalapit na nayon. […]

Ang Masamang Kalahi

Tuesday, October 26th, 2010

Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain ay humanap na ng ibang libutan at madaling nakapamayagpag na muli ang Talisain. Ang mga Katyaw na leghorn doon ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni Tenoriong Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang pinakamagandang sa mga banyagang manok na si Lolitang Leghorn.

Ang Mag-anak na Langgam

Sunday, October 24th, 2010

Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya’t ang isang mag-anak na langgam ay abalang-abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang pinagtataguan. “Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga, dahil sa may gawing kaliwa ay may munting kanal,” sabi ni Tatay Langgam.

Ang Alamat ng Bundok Pinto

Monday, October 18th, 2010

(Bahagi ng « The Legend of Mount Pinto” ng Maguindanao) Mula sa “The Legends” by Damiana L. Eugenio Labis na nakamamangha at napakahiwaga ang tungkol sa yungib. Ito ay pinanirahan ng mga supernatural na nilikha tulad ng mga diwata at reyna na pinaniniwalaang lumitaw nuong unang panahon. Sila ang pinaniniwalaang magagandang nilikha ng diyos na […]

Ang Alamat ng Basey

Monday, October 18th, 2010

(Bahagi ng The Beautiful Bungangsakit) Salin ni Reynaldo S. Reyes Mula sa”The Legend” by Damiana L. Eugenio, UP Press Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at […]