Mindanao – Philippine Literature https://thephilippineliterature.com Your Ultimate Source of Past and Present Literary Filipino Works Mon, 27 Aug 2018 13:28:29 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=4.9.8 The Legend of the Dama de Noche https://thephilippineliterature.com/the-legend-of-the-dama-de-noche/ https://thephilippineliterature.com/the-legend-of-the-dama-de-noche/#respond Fri, 18 Nov 2011 18:01:05 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=483 A thousand years ago, there was a rich maharlika, or nobleman, who spent his early bachelor days recklessly, wining and dining in the company of nobility. He drank the finest wines, ate the most delectable food and enjoyed the company of the loveliest, perfumed and bejewelled women of the noble class.

photo from wikipedia

After years of this kind of life, the maharlika finally felt it was time to settle down and marry the woman of his choice. “But who is the woman to choose?” he asked himself as he sat in the rich splendour of his home, “All the women I know are beautiful and charming, but I am tired of the glitter of their jewels and the richness of their clothes!” He wanted a woman different from all the women he saw day and night, and found this in a simple village lass. She was charming in her own unaffected ways, and her
name was Dama.

They married and lived contentedly. She loved him and took care of him. She pampered him with the most delicious dishes, and kept his home and his clothes in order. But soon, the newness wore off for the maharlika. He started to long for the company of his friends. He took a good look at his wife and thought, she is not beautiful and she does not have the air of nobility abouther, she does not talk with wisdom. And so the maharlika returned to his own world of glitter and splendor. He spent his evenings sitting around with his friends in their noble homes , drank and talked till the first rays of the sun peeped from the iron grills of their ornate windows.

Poor Dama felt that she was losing her husband. She wept in the silence of their bedroom. “I cannot give my husband anything but the delights of my kitchen and the warmth of my bed. He is tired of me.” She looked to the heavens. “Oh, friendly spirits! Help me. Give me a magic charm. Just one little magic charm to make my husband come home again, that he will never want to leave my side, forever!”

It was midnight when the maharlika came home. He opened the door of their bedroom and called for Dama to tell her to prepare his nightclothes. “Dama! Dama, where are you?” he called. He shouted all around the bedroom. He sarched the whole house. Still the nobleman could not find his simple wife. Finally the nobleman returned to their bedroom, tired and cross. But, as he opened the door, he stopped.

A are scent, sweet and fragrant, drifted to him. It was a scent he had never smelled before. He entered the room and crossed to the window where the scent seemed to be floating from. A strange bush was growing outside the window. Some of its thin branches had aleady reached the iron grills and were twisting around. And all over the bush were thousands of tiny starlike, white flowers, from which burst forth a heavenly, enchanting scent!

He stood there, completely enraptured by the glorious smell. “Dama…” he whispered softly, onderingly, could this be Dama? The rich maharlika sat by the window, and waited for the return of his loving simple wife. But she did not come back. She never returned to him again. Only the
fragrance of the flowers stayed with him, casting a spell over his whole being.

In the moonlight, Dama of the night, or Dama de Noche would be in full bloom, capturing the rich maharlika, making him never want to leave her side, forever.

]]>
https://thephilippineliterature.com/the-legend-of-the-dama-de-noche/feed/ 0
Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti https://thephilippineliterature.com/lalapindigowa-i-kung-bakit-maliit-ang-beywang-ng-putakti/ https://thephilippineliterature.com/lalapindigowa-i-kung-bakit-maliit-ang-beywang-ng-putakti/#respond Fri, 12 Nov 2010 09:59:01 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=441 Pabula ng Maranao
Batay sa pananaliksik ni Dr. Nagsura Madale

Si Lalapindigowa-i (isang putakti) ay isang masipag na magsasaka. May dalawa siyang asawa, sina Odang (hipon) at si Orak (itlog). Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya masipag na magsasaka kundi isang tapat na asawa. Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang dalawa niyang asawa.

Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghalian sa bukid nang sa ganoon ay di masayang ang kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo at nagpasya ang dalawa niyang asawa na mula noon ay dadalhan siya ng pagkain sa bukid.

Pagkaraan ng maraming araw at buwan ng paghahatid ng pagkain, nagsawa ang mga asawa ni Lalapindigwa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at tumangging magdala ng pagkain. Si Orak ay ayaw ring maghatid ng pagkain. Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong magdadamba hanggang ito’y mahulog sa kaserola at naging pula ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto kaya’t ipinaghele niya ito. Sa di sinasadya, tumama siya sa bunganga ng kaserola at ito’y naluto rin.

Samantala, si Lalapindigowa-i ay ginutom sa kahihintay sa kanyang dalawang asawa. Pagkaraan ng ilang oras ng paghihitay, nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa daan nakita ng gutom na si Lalapindigowa-i ang basag na kaserola at ang mga asawa niyang naluto.

Galit siya sa mga asawang tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito.Gutum na gutom na siya kaya hinigpitan niya ang kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni Lalapindigowa-i ay lumiit nang lumiit dahil batid niyang wala nang mga asawang magluluto para sa kanya.

]]>
https://thephilippineliterature.com/lalapindigowa-i-kung-bakit-maliit-ang-beywang-ng-putakti/feed/ 0
Ang Masamang Kalahi https://thephilippineliterature.com/ang-masamang-kalahi/ https://thephilippineliterature.com/ang-masamang-kalahi/#respond Tue, 26 Oct 2010 14:48:14 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=432 Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain ay
humanap na ng ibang libutan at madaling nakapamayagpag na muli ang
Talisain.

Ang mga Katyaw na leghorn doon ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni Tenoriong Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang
pinakamagandang sa mga banyagang manok na si Lolitang Leghorn.

Isang araw ay galit na galit na umuwi si Denang Dumalaga.

“Naku!”ang bulalas ng dumalaga. Ako pala ay sinisiraan ni Tenoriong
Talisain. Ako raw ay naging kasintahan niya…”

“Diyata’t?”ang bulalas din ni Aling Martang Manok.

“At katakot-takot na paninira raw laban sa mga kalahi ang ginagawa ng
Talisaing iyan. Tayo raw ay ikinahihiya niya. Masamang lahi raw tayo…”

Gayon din ang ikinagalit ni Toniong Tandang nang siya’y dumating. Napakasamang manol iyang si Tenoriong Talisain,”ang wika ng tandang.

“Kangina’y nakita ko. Kung lumakad at magslita’y ginagaya ang mga leghorn. Ang balita ko pa’y nagpasuklay ng balahibo upang maging mistulang leghorn na. Nakapanginginig ng laman.”

“Bayaan ninyo siya,”ang wika ni Aling Martang Manok. “Pagsisisihan din
niya ang kanyang ginawang iyan.”

Ilang araw, pagkatapos ay dumating si Toniong Tandang na kasama si
Tenoriong Talisain. Gusut-gusot na ang balahibo ng katyaw. Pilay pa ang isang paa, pasa-pasa ang buong katawan at hindi halos makagulapay.

“Bakit ano ang nangyari?”ang tanungan ng mga kalahing manok.

“Iyan pala ay maluwat nang kinaiinisan ng mga katyaw na Leghorn,”ang
wika ni Toniong Tandang. “Kangina’y nakita ko na lamang na pinagtutulungan ng apat na katyaw na leghorn.”

“Bakit hindi mo pa pinabayaang mapatay?”ang wika ng mga kalahing
manok. “Tayo rin lamang ay ikinahihiya niya at itinatakwil pa…”

“Talaga nga sanag ibig ko nang pabayaan.”ang wik ni Toniong
Tandang.”Ngunit hindi rin ako nakatiis. At talagang namang kung hindi ako sumaklolo’y nasirang Tenoriong Talisain na siya ngayon.”

“Nakita mo na, Tenoriong Talisain!” ang wika ni Aling Martang Manok.

“Iyang kalahi, kahit masamain mo’y talagang hindi makatitiis.

]]>
https://thephilippineliterature.com/ang-masamang-kalahi/feed/ 0
Ang Mag-anak na Langgam https://thephilippineliterature.com/ang-mag-anak-na-langgam/ https://thephilippineliterature.com/ang-mag-anak-na-langgam/#respond Sun, 24 Oct 2010 12:42:10 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=427 Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya’t ang isang mag-anak na langgam ay abalang-abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang pinagtataguan.

“Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga, dahil sa may
gawing kaliwa ay may munting kanal,” sabi ni Tatay Langgam.

“Hindi po kami lalayo,” sabi ni Unang Munting Langgam.

Abala sa paghahakot ng mga pagkain ang bawat isa, kung kayat hindi nila napansing ang Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.

“Nakakapagod naman ang paghahakot ng pagkain, matagal pa naman
ang tag-ulan ay naghahanda na kami,”sabi sa sarili ng Bunsong Langgam.

“Buti pa’y maghanap ako ng mas masarap na pagkain.”

Walang anu-ano’y nakakita ng isang kendi na malapit na malapit sa kanal na ipinagbabawal na puntahan ng kanyang ama.

“Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong kukunin ang kendi.”

Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay hindi niya napansin ang
munting sinulid na kinapatiran ng kanyang paa, kaya nawalan siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa kanal.

Hind mapakali ang Amang Langgam nang hindi niya makita ang kanyang
Bunsong anak sa pila. Kaya dali-dali siyang umalis upang ito’y hanapin,
hanggang sa siya’y mapadako sa ipinagbabawal na pook. Pagtingin niya sa ibaba ay nakita niyang nakalutang sa tubig ang kanyang bunsong anak. Masakit man sa kalooban ay naibulong niya sa kanyang sarili na: “Iyan ang napapala ng mga anak na matigas ang ulo.”

]]>
https://thephilippineliterature.com/ang-mag-anak-na-langgam/feed/ 0
ANG UNANG HARI NG BEMBARAN https://thephilippineliterature.com/ang-unang-hari-ng-bembaran/ https://thephilippineliterature.com/ang-unang-hari-ng-bembaran/#respond Fri, 22 Oct 2010 02:12:25 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=423 (Alamat ng Maguindanao)
Salin ni Venacio L. Mendiola ng “The First Ruler of Bembaran”

ni Bolawan Manalisig/Lawa Cali

Noong unang araw, kakaunti ang mga tao sa mundo at marami sa kanila ang mangmang at walang tao sa kanilang gawain at bagamat di pa umuunlad ang lugar na ito ay masasabing maganda na. Sa buong Bembaran, kulang lamang na 20 pamilya ang nasasakop ng Ayonan, si Diwantandaw Gibon.

At sapagkat malapit sa dagat ang Bembaran ang mga alon ay sumasalpok sa gitna nito. Nababatid ng mga tao na walang kasingganda ang kanilang pook. Batid nilang ligtas sila sa kanilang mga kaaway pahintulot buhat sa kinatatakutang tagapayong ispiritwal, si Pinatolo i kilid, ang kakambal na isipiritu ni Diwatandaw Gibon, ang unang hari ng Iliyan at Bembaran. Walang palagiang anyo ang ispiritung ito. Sa dagat, ito ay buwaya; sa lupa ito ay isang tarabosaw* at sa himpapawid, ito ay isang garuda.

Isang araw ang mga tao sa Torogan ay nabahala sapagkat napansin nila na malungkot ang Ayonan. Inanyayahan ni Mabowaya Kaladanan, isa sa mga nakatatanda, na magpunta s torongan upang tulungan ang Ayonan sa kanyang suliranin. Nang ang lahat ay naroroon na, nagtanong si Dinaradiya Rogong, isang iginagalang na pinuno, sa kapulungan kung may nakakaalam sa lugar, na kasingganda at kasingyaman ng Bembaran, na kung saan may nakatirang prinsesa na maaaring mapangasawa ni Diwatandaw Gibon. Ang lahat
ay nag-isip sumandali ngunit walang makapagsabi ng ganoong lugar. Tumayo si Dinaradiya Rogong at iginala ang kanyang paningin sa mga taong nangakakatipon upang alamin kung ang lahat ng tao roon ay dumalo. Pagkatapos ay namataan niya ang isang mangingisdang
nakaupong malapit sa pinto at malayo sa karamihan. Tinawag niya ito at tinanong “Samar, sa lahat ng iyong pangingisda sa iba,t ibang lugar, nakarating ka na ba sa isang lugar na kasingganda ng Bembaran, na may isang magandang prinsesa na maipapantay sa ating Ayonan?”

Ngumiti ang mangingisda at nagsalita: “Opo, dato, alam ko ang ganyang lugar at ito’y di maihahambing sa ganda sa anumang bagay rito. Ito’y tinatawag na Minango’aw at
ang pangalan ng hari ay Minangondaya a Linog. Ang hari ay may isang anak na babae na pinangalanang aya Paganay Ba’i, ang pinakamagandang babae sa pook.”
Nang marinig ng mga tao ang sinabi ng Samar, napagusap–usapan sila. Marami
ang naniniwala sa kanyang sinabi sapagkat siya’y isang mangingisda at maaaring nakita
niya ang lugar. Ngunit nagalit si Dinaraduya Ragong sapagkat siya’y marami ring nalakbay
at kailan man sa kanyang paglalakbay ay hindi siya nakatagpo o nakarinig ng tungkol dito.
Naisip niyang nagbibiro ang Samar o niloloko sila kaya’t nagbabala siya: “Mag-ingat ka sa
iyong sinasabi. Nakapaglakbay ako sa maraming lugar at kalian ma’y di ko narinig ang
ganyang lugar. Mabuti pa’y magsabi ka ng totoo ‘pagkat hahanapin naming ang lugar na ito,
at parurusahan ka naming kapag hindi naming natagpuan ito.”
Tiningnan ng Samar ang datu at nakita niyang namumula sa galit ang mukha nito.
Lumundag siyang palabas sa torogan. Nagpunta ang ibang pinuno sa Dinariya a Rogong at
hinikayat siyang hanapin ang Minago’aw a Rogong. Nang sumunod na araw, naghanda sila
sa kanilang paglalakbay at nanguha at naghanda ng pagkain at ilang pangangailangan.
Nang handa na ang lahat, umalis ang pangkat ngunit sa halip na maglayag sa karagatan,
sila’y naglakbay sa dalampasigan at nagtatanong sa mga tao kung saan nila matatagpuan
ang Minago’aw. Ngunit wala kahit sinuman ang nakarining sa ganoon lugar.

*tarabosaw – isang higanteng kumakain ng tao at hayop
garuda – agila

Pagkatapos ng isang buwan paglalayag, nakakita sila, isang madaling araw, ng
dalawang mangingisdang nag-aaway. Nang halos magpang-abot na ang dalawa,
nangagsidating ang mga lalaki sa Bembaran at sumigaw si Diwatandaw Gibon, “Hinto!
Kung kayo’y maglalaban, masasaktan kayo o mamamatay at magdurusa anuman ang
mangyari. Isipan ninyo ang inyong mga pamilya!” Huminto sa pag-aaway ang dalawa at
tinanong ng hari kung saan sila nakatira. Sumagot ang isa sa kanila, “Dato, ako’y taga-
Minango ‘aw.” Nang marinig nila ito, nagalak ang pangkat sapagkat natapos na ang
kanilang paghahanap.

Inutusan ng Ayonan ang mga mangingisda na lumipat sa kanilang bangka upang
patnubayan sila sa pagpunta sa kanyang lugar. Sa paglalakbay pinagtatanong nila ang
mangingisda na kanya naming sinagot sa kanilang kasiyahan. Noong papalapit na sila sa
bukana ng look, nakiusap ang mangingisda na magpauna sa kanila sa kanyang sariling
bangka upang ipagbigay-alam sa kanyang hari ang kanilang pagdating at ibalita sa kanya na
sila’y mga kaibigan, at hindi mga pirata. Pagkalunsad nito, dali-dali siyang nagtuloy sa
torogan ibinalita sa Ayonan ang tungkol sa mga panauhin. Tinipon ng hari ang kanyang
mga nasasakupan at napagkasunduan nilang salubungin ang mga panauhin sa
dalampasigan.

Naghanda ng isang malaking piging ang hari ng Minango’aw para sa kanyang mga
panauhin. Nag-handa ang mga babae ng masasarap na pagkain. Pagkakain nag mga
panauhin ay inaliw nila sa pamamagitan ng sayaw kolintang, sagayan at ang lahat ng uri ng
paligsahan sa pag-wait o sak’ba. Nang matapos na ang lahat ng uri ng palaro, tumayo at
nangusap ang tagapag-salita ng hari at tinanong ang mga panauhin kung bakit sila
nakarating sa Minango’aw. Ang kinatawan ng Diwatandaw Gibon ay tumayo. Sinabi niya
na dinala nila ang kanilang batang hari at magalang na ipinakilala. Pagkatapos ay nalaman
ng mga tao na ang sadya ng mga panauhin ay upang pakasalan ng Ayonan ang kanilang
prinsesa.

Tinanggap ang handog at ang paghahanda ay nagsimula. Napakasaya ni
Diwatandaw at ang kasal ay ginanap sa gitna ng kasayahan at labis na pagpipiyesta.

Namalagi si Diwatandaw Gibon sa Minango’aw ng limang taon at sa panahong ito’y
nanganak ng dalawang lalaki ang kanyang kabiyak. Hinandugan siya ng kanyang biyenan
ng korona nito at kapangyarihan. Sa buong panahong naturan, hindi niya dinalaw ang
Bembaran at nagyon siya’y puno ng malakas na pag-asam at pananabik na makabalik sa
kanyang lupain. Nilapitan niya ang kanyang biyenan at nagsabi: “Aking biyenan, kung
pahihintulutan ninyo, nais kong makabalik sa Bembaran. Ibig kong makita kahit ang damo
ng pook na aking sinilangan.”

Tumango si Minangondaya Linog. “Tama ka. Humayo k.” Pagkatapos ay
tinawagan niya ang kanyang dalawang apo, inakbayan ang bawat isa at sinabi sa
nakatatanda: “Ikaw ay si Tominaman sa Rogong. Balang araw pupunta ka sa Bembaran,
ang lugar ng iyong ama. Katungkulan mong paunlarin ang lugar at pasayahin ang mga tao
ng Bembaran.” Bumaling sa nakababata at sinabi: “Ikaw ay si Mangondaya Boyisan.
Bilang bunso dapat mong tulungan ang iyong kapatid sa pagpapaunlad ng Bembaran at
Minango’aw. Humanda ka sa pagtulong at pagtatanggol sa mga tao sa dalawang lugar na
ito.”

Pagkatapos ay binigyan ng hari ang dalawa niyang apo ng sumusunod na pamanang
gamit: isang mahiwagang bangka, ang Riramentaw Mapalaw, na lalong kilala bilang
Rinayong , na nakapaglalayag sa dagat na hindi na kailangan ang sagwan sapagkat ispiritu
ang nagpapadpad dito. Binigyan rin niya ang mga apo ng isang agong na pinangalang
Magandiya a Oray. Ito’y minana pa niya sa kanyang lolo, isang ginintuang agong na kung
pinapalo ay maririnig sa lahat ng lugar ang tunog at kagyat na matatawag ang lahat ng tao;
at dalawa pang agong: Rogongan a Posaka at Momongara Dayiring.

Tinawag niya ang kanyang anak na si Prinsesa Aya Paganay Ba’i. Nang lumapit ang
prinsesa at maiharap sa kanya ama, sinabi ng ama sa anak na maaari siyang magtungo sa
Bembaran kasama ng asawa at mga anak. Pagkatapos ay kanyang pinayuhan ang anak.
“Anak ko, ang iyong unang katungkulan ay sundin ang iyong asawa at pangalagaan ang kanyang kalusugan kapakanan. Mahalin mo siya at alaming kapwa kayo mabuhay
nagkakasundo. Buhayin at mahalin mo ang inyong pamilya at tingnan mo na sila’y nasa
mabuting kalusugan.

“Ipaglaban mo ang iyong karapatan at ang karapatan ng iyong hari. Humanda kang
ipagtanggol ang iyong dalawang bansa ng Bembaran at Minango’aw. Igalang mo ang mga
matatanda at bata. Mahalin mo ang mahihirap at ang mga ulila. Bigyan mo ng pagkakataon
ang bawat isa na magtagumapy sa buhay. Maging matapat ka sa lahat.

“Kung dumating ang mga panauhin, tanggapin mo silang pantay-pantay kahit na sila
ay maharlika pa alipin. Turuan mo ng mabubuting bagay ang iyong mga anak. Lagi mong
tupdin ang anumang pangako. Maging mabuti kang maybahay at panatilihing mong malinis
ang iyong bahay, sa loob at labas, sa ibaba at itaas, pati ang bakuran.

Tinapos ng Ayonan ang kanyang pangaral at hinati ang kanyang ari-arian sa dalawa.
Kalahati ang ibinigay niya sa anak niyang prinsesa sa kanyang pag-alis. Dinala ni
Diwatandaw Gibon ang kanyang mag-anak at ang lahat ng kayamanan ibinigay sa kanila ng
kanyang biyenan. Sakay ng Rinayong, siya ay naglalakbay kasama ng kanyang mag-anak.

Nang malapit na sila sa bayang sinilangan, inutos ni Diwatandaw Gibon na patunugin
ang mga agong sa buong lupain upang ibalita ang kanyang pagdating. Nagtakbuhan ang
mga taga-Bembaran at inilabas ang lahat ng kanilang mga bandera at magagandang mga
palamuti at iniladlad ang mga ito. Ang mga bandera at palamuti ay masayang dinapyuan ng
amihan at ang lahat ng bahay sa daanan at nagpatugtog ng kolintang. Ginayakan ang isang
tanging silya at dinala sa dalampasigan samantalang sa torogan ay may itinanghal na mga
pamanang ari-arian na yari sa tanso, pilak at ginto.
Sa pagadaong ng bangka, nagpaputok ng kanyon upang salubungin si Diwatandaw
Gibon at ang kanyang mag-anak. Pumila ang lahat ng tao sa dalampasign at sila’y
masayang sumalubong sa Ayonan at sa kanyang magandang asawa at mga anak. Dinala
nila ang silyang pinalamutian nang magandang tangkongan – para upuan ni Aya Paganay
Ba’i at binuhat siyang buong ringal at kamaharlikahan papunta sa torongan.

Tatlong taon ang matuling lumipas sa Bembaran. Isang araw, habang ang Ayonan
at ang kanyang asawa ay nakaupo sa lamia* namasdan ni Diwatandaw Gibon n kakaunti
ang mga batang nagsisipaglaro sa bakuran. Naisip niya, na kaawa-awa na ang isang
maganda at mayamang lugar tulad ng Bembaran ay may kakaunting tao lamang na
magtatamasa nito? Tinanong niya ang asawa. “Ano ang palagay mo sa kaisipang ito?
Papayagan mo ba akong mag-asawa ng marami pang mga babae upang madagdagan ang
populasyon ng Bembaran? Narining ko na maraming mabubuting mga babae sa
Lombayo’an a Lena, Kodaranyan a Lena, Bagombayan Miyaraday dali’an at sa Minisalaw
Ganding.”

Nagulat ang prinsesa. Nasabi niya sa sarili na kung nalaman lamang niya na
binabalak niyang gawin ito, disin sana’’y hindi siya pumayag na magtungo sa Bembaran.
Malakas niyang sinabi, “Mahal kong asawa, napakahirap kong tanggapin ang balak mo.
Kung maririnig ng mag-anak ko ang ang iyong kagustuhan na mag-aasawa ng mga ibang
babae, makakagalitan nila ako at sisisihin tungkol dito. Sa palagay ko’y magiging mabuti
para sa iyo na ako’y diborsyuhin mo upang malaya mong mapangasawa gaano man
karaming babae ang gusto mo. Babalik ako sa Minango’aw sa sandaling payagan mo ako.”

Niyakap ni Diwatandaw Gibon ang asawa at sinabi sa kanya, “Huwag ka nang mag-
alala. Nagbibiro lamang ako.” Pinangako niya ang asawa at ipinaghele sa kanyang braso.
Umawit siya ng “pinakamamahal kong kabiyak, huwag kang magalit sa akin sa pagkabitiw ko ng mga salitang nagbigay pasakit sa iyong kalooban. Alam ko na nagpalungkot ito sa
iyo, ngunit katungkulan ko bilang isang namumuno na magbalak at mag-aral at mag-isip
tungkol sa ikauunlad ng kanyang kaharian. Ang mag-isip, ang magbalak kumilos – ito ang
mahalagang katungkulan ng isang namumuno maging lalaki o babae. Dapat niyang pag-
aralan ang lahat ng bagay upang matuklasan kung alin ang totoo, alin ang mali at alin ang
biro lamang.” Nakinig siya sa kanyang mahinang awit at pinakiusapan niyang ibaba siya sa
malaking panggaw.*

Tinawag ng prinsesa ang kanyang asawa sa kanyang tabi at winika sa kanyang
asawa, pag-uusapan pa natin ang iyong balak. Sa palagay ko ay tama ka. Dapat ngang
magkaroon ng maraming nasasakupan ang Bembaran. Makinig ka, kung kulangin ang
iyong ari-arian sa paghahanda sa kasal sa lahat ng mga babaeng yaon, sabihin m osa akin
upang makakuha pa ako ng ilang ari-arian ko sa Minango’aw.”

Nang sumunod na araw tinipon ni Diwatandaw Gibon ang lahat ng tao ng Bembaran
at ipinahayag ang kanyang mga balak. Ang mahiwagang bangkang Rinamentaw ay
inihanda at pagkatapos matipon ang lahat ng kailangan, sinimahan ng piling tauhan si
Diwatandaw Gibon sa panliligaw. Una silang nagpunta sa

Kodarangan a Lena para kay Walayin Dinimbangew, sa Bagombayan a Lena para kay
Walayin Pitagaman, sa Songgaringa a dinar para kay Walayin si Remotak at sa Minisalaw
Ganding para kay Walayin Mangobabaw.

Kasama ang kanyang mga bagong asawa, bumalik si Diwatandaw Gibon sa
Bembaran at sa sandaling marating niya ang Baroraw a Lena’an ang lugar ni Pamanay
Masalayon, sa pagitan ng Bembaran at Kadera’an, inutos niyang patunugin ang mga agong
upang malaman ng lahat ang kanilang pagdating at makapaghanda sa pagsalubong sa
kanya at sa kanyang mga bagong asawa.

——————————————
* lamia – ang tore ng prinsesa
panggaw – kama

Nang marinig ni Aya Paganay Ba’i ang agong siya’y di mapalagay at malungkot
sapagkat alam niya ang kahulugan nito. Pinawisan mabuti ang kanyang mukha. Ngunit
naalala niya ang itinuro sa kanya ng kanyang magulang at gaya ng isang tunay na
mahinhing babae, tumindig siya at tinawag ang lahat ng mga kababaihan at mga alipin.
Inutusan ang bawat isa na maglinis at gayakan ang torogan at ang lahat ng kapaigiran nito.
Naghanda siya ng limang malalaking silid tulugan, pinalamutian ang mga ito, at hinintay niya
ang pagdating ng asawa.

Dumating ang Ayonan at magiliw na binati ang kanyang asawa at ipinakilala ang
mga bagong asawa sa kanya. Binati niya sila nang magiliw at sinalubong sila sa Bembaran.
Kaya ang hari at ang kanyang mga asawa ay nabuhay nang magkakasundo sa maraming
taon. Buhat sa kanyang limang asawa, nagkaroon ng maraming anak si Diwatandaw Gibon,
na pawang babae. Sila’y sina Mabolawan Pisigi ng Kadorangan a Lena; Walayin
Dirimbangen o Mapatelama Olan ng Lambayo’an a Lena; Garugay a Rawatan ni
Bagombayan a Lena; Romentak a Bolawan ng Sanggiringa a Dinar at Mapagalong an sirig
ng Minisalaw Ganding.

Pagkatapos mabuhay ng maligaya ng labinlimang taon, tinipon ni Diwatandaw Gibon
ang kanyang malaking pamilya isang araw at nagsimula siyang magbigay ng kanyang huling
testamento. Nakaupo sa kanyang silya, nag-atas siya sa kanila. Sinabi niya sa kanyang
mga asawa na kung ayaw nilang magbalik sa kanilang tahanan pagkamatay niya, manatili
sila sa Bembaran at pantay-pantay sila ayon sa kapangyarihan ng aya Paganay Ba’i.
Inamuki niya ang kanyang dalawang anak na lalaki na magpakabuti sapagkat pagkamatay niya, sila ang papalit sa kanya. Binalangkas niya para sa kanila ang pagiging mabuting
pinuno.

“Kung makarinig kayo na anumang alitan sa inyong nasasakupan,” simula niya,
“dapat ninyo itong ayusin sapagkat katungkulan ninyo ito, anyayahan man kayo o hindi na
ayusin ito. Huwag kayong kakampi sa anumang panig upang ang inyong pagpapasya ay
maging karapt-dapat. Kung may utang na babayaran at ang isang panig ay kulang sa
salapi, ibigay ito buhat sa sarili ninyong salapi.

“Mayroon kayong limang kapatid na babae. Pagsapit ng panahon na sila ay dapat
mag-asawa isangguni ang tungkol dito sa inyong kamag-anak, sa panig ko at sa panig ng
inyong ina. Huwag kayong makikialam, kahit anuman ang mangyari hanggat nagkakasundo
ang dalawang panig sapagkat alam nila na kayong dalawa ang huli nilang daraingan at
hihingan ng kapasyahan.”

“Lagi ninyong ipagtanggol ang mga karapatan ng inyong mga nasasakupan sa
Bembaran at Minango’aw. Kayo ang kanilang tagapagtanggol at may karapatan silang
asahan ito sa inyo sapagkat kayo’y aking mga anak.”

“Kung may sinumang magsalita laban sa inyo, kahit sino man sila, maging dugong
bughaw, mga karaniwang mamamayan, matanda o bata, dayuhan o katutubo, lalaki o
babae, huwag kayong sasagot kaagad. Isipin munang mabuti ang bagay-bagay. Kung ito’y
gagawin ninyo, hindi kayo magkakamali. Maging mapagpatawad kayo at matiyaga. Gayon
man, kung ang pag-insulto ay inulit pa, hamunin ang tao at ipagtanggol ang inyong
karangalan hanggang kamatayan.”

Ang pamana ko lamang sa inyo ay ang mahahalagang manang-ari at iba pang ari-
arian. Alagaan ninyo ang mga ito, lalung-lalo na ang torogan, ang tore, ang bangkang
Rinamentaw, ang tatlong agong, Magindaya a Oray, Rogongan at Momongano Dayiring.”

Pagkatapos mawika ang mga ito, namatay si Diwatandaw Gibon. Namahala sa lahat si Aya Paganay Ba’i. Inutos niya na palamutian ang torogan at pinatugtog sa mga tao ang lahat ng mga agong. Iniutos niyang isabit ang lahat ng bandera sa paligid ng torogan at sa harap ng bakuran nito. Nagtayo ang mga tao ng osonan upang ipahiwatig sa lahat ng kalapit na upang dumalo sa libing ng patay na hari at pinagsabihan rin ang lahat ng kamag-anak ng kanyang limang asawa.

Pagkalibing sa Ayonan, ipinaayos ang kasal ng kanyang anak na lalaking si Tominamansa Rogong kay Prinsesa Lalawanan ng Jolo. Pagkatapos ng kasalan, namuno si Tominaw sa Rogon sa Bembaran na sinusundan ang bakas ng kanyang ama, ang matalinong Haring Diwatandaw Gibon, ang unang hari ng Iliyan a Bembaran.

]]>
https://thephilippineliterature.com/ang-unang-hari-ng-bembaran/feed/ 0
Ang Alamat ng Bundok Pinto https://thephilippineliterature.com/ang-alamat-ng-bundok-pinto/ https://thephilippineliterature.com/ang-alamat-ng-bundok-pinto/#respond Mon, 18 Oct 2010 06:58:06 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=418 (Bahagi ng « The Legend of Mount Pinto” ng Maguindanao)
Mula sa “The Legends” by Damiana L. Eugenio

Labis na nakamamangha at napakahiwaga ang tungkol sa yungib. Ito ay pinanirahan ng mga supernatural na nilikha tulad ng mga diwata at reyna na pinaniniwalaang lumitaw nuong unang panahon. Sila ang pinaniniwalaang magagandang nilikha ng diyos na may napakaraming aria-arian tulad ng iba’t ibang uri ng mga alahas. Mayroon din silang mga bagay-bagay na yari sa tanso tulad ng mga agong (gongs), mga kulintang, mga gandingan at iba pang mga bagay-bagay na may kaugnayan o kabilang sa kumpletong mga instrumentong musikal na yari sa tanso.

Ang mga sinaunang nanirahan sa nayon ay maingat na nagmatyag at malapitang sinaksihan ang mga pambihirang gawi at mga kakatwang gawain ng mga kakaibang naninirahan sa yungib. Napuna ng mga taga-nayon na tuwing maaliwalas na mga gabi ay nagkakaroon ng pambihirang kasayahan sa bundok. Ang malamyos na musikang
likha ng mga instrumentong musikal ay maririnig mula sa bunganga ng yungib.

Mapagkikilalang ang musika ay likha ng kagamitang musikal na yagi sa tanso. Sa katahimikan ng gabi, ang musikang nagmumula sa bundok Pinto ay nakapagdudulot ng tunay na kasiyahan at kaligayahan sa mga naninirahan malapit sa bundok. Ang gayong kakaiba at kamangha-manghang nakaaaliw at masasayang pangyayari ay nagtagal at nagpatuloy ng maraming mga taon.

May pagkakataon pang ang ilang malalakas ang loob na lalaki ay di pa nasiyahan sa pakikinig lamang ng nakaaaliw na matamis at masarap pakinggang tugtuging idinudulot sa mga tao ng mga supernatural na nilikha. Isang gabi, tatlong mapangahas na lalaki ang sumubok na lumapit sa yungib ng bundok. Sila’y dahan-dahan at tahimik na gumapang hanggang sa makarating sa pinakamainam na lugar malapit sa bunganga ng yungib at doo’y nagkubli ng ilang sandali.

Ano ang kanilang nakita? Sila’y buong kapanabikang nangabigla nang makita ang mga kaibig-ibig tingnang mga nilalang na tumutugtug gamit ang mga intrumentong musikal na yari sa magagaang kawayan na makinis ang pagkayari. Sa pinakaloob na bahagi ng yungib, ang ibang mga reyna ay buong kasiyahang tumutugtog gamit ang mga kulintang, agong, gandingan at iba pang mga instrumento. Nang maramdaman nilang may mga tao sa di kalayuan, kaagad silang napatugil sa pagtugtog. Madali nilang
nalamang may tao sa paligid dahil sa kanilang matalas na pang-amoy.

Ang mayuyumi, magaganda at kabigha-bighaning mga nakababatang diwata at reyna ay biglang naglaho. Nahintakutan sila sa pagdating ng mga tatlong kalalakihan. Ang mga nakatatandang mga diwata at reyna lamang ang nanatili roon ngunit di kumikibo at nakamasid lamang. Naumid naman ang tatlong lalaki at di malaman ang
sasabihin ng makita nang harapan ang mga mga kabigha-bighaning nilalang.

]]>
https://thephilippineliterature.com/ang-alamat-ng-bundok-pinto/feed/ 0
ANG ALAMAT NG PALENDAG https://thephilippineliterature.com/ang-alamat-ng-palendag/ https://thephilippineliterature.com/ang-alamat-ng-palendag/#respond Sun, 17 Oct 2010 11:14:34 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=409 (Kwento/Magindanaw)

Salin ni Elvira B. Estravo ng “The Legend of Palendag”

Ang palendag ay isang instrumentong pang-musika ng mga Magindanaw. Ito’y galing sa salitang Magindanaw na lendag, na nangangahulugang “paghikbi.”

Gawa ito sa isang uri ng kawayang tinatawag na bakayawan ang mga katutubo. Ito’y may habang dalawa hanggang tatlong talampakan, may tigdadalawang butas sa magkabilang gilid na isang pulgada ang pagitan. Tinutugtog ito na gaya ng plauta.

Karaniwang tinutugtog ito ng isang nabigong mangingibig upang aliwin ang sarili. Nabibigyang-kahulugan ng isang mahusay na tumugtog sa palendag ang iba’t ibang damdamin at nakalilikha ng isang maganda at makaantig- damdaming musika.

Ayon sa alamat, may isang binatang umibig sa pinakamagandang dalaga sa pook. Nagkakaisa ang kanilang damdamin, ngunit dahil sa ipinagbabawal ng tradisyong. Magindanaw ang pagliligawan, ang kanilang pagmamahalan ay nanatiling lihim. Lihim man ang pag-iibigan, waring walang hanggan ito.

Isang araw, tinawag ng datu ang binata. Bilang isang kawal ng sultan, binigyan siya ng misyon sa isang malayong lugar. Sa pamamagitan ng isang kaibigan, nagkita ang dalawa bago makaalis ang binata. Nalungkot ang dalaga sa nalamang misyon ng lalaki.
Inaliw siyang aalalahanin at uuwi agad pagkatapos ng misyon. Ipinangako rin niyang
susulat nang madalas.

Sa unang ilang linggo, panay ang dating ng sulat na punung-puno ng pagmamahal at pag-aalaala. Pagkatapos ng ilang buwan, dumalang ang dating ng sulat hanggang sa ito’y tuluyang nawala.

Isang araw, nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakalulungkot na balitang ang binata ay ikinasal sa ibang babae, sa lugar ng kanyang misyon.

Lubhang nasaktan ang dalagang manghahabi. Upang maitago ang kalungkutan sa mga magulang, maraming oras ang ginugugol niya sa kanyang habihan. Parati siyang umiiyak nang tahimik. Ang kanyang luha’y laging pumapatak sa kapirasong kawayang
ginagamit sa paghabi. Nagkabutas ang kawayandahil sa laging pagpatak dito ng luha ng dalaga. Isang araw, sa di sinasadyang pagkakataon, nahipan niya ito at lumabas ang isang matamis at malungkot na tunog. Mula noon, inaliw niya ang sarili sa pagtugtog ng palendag, ang pangalang ibinigay sa kakaibang instrumentong pangmusika.

]]>
https://thephilippineliterature.com/ang-alamat-ng-palendag/feed/ 0
List Of Filipino Writers and Their Pseudonyms https://thephilippineliterature.com/list-of-filipino-writers-and-their-pseudonyms/ https://thephilippineliterature.com/list-of-filipino-writers-and-their-pseudonyms/#respond Wed, 01 Sep 2010 01:53:07 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=374 Antonio K. Abad
Akasia

Jose Abreu
Kaibigan

Macario Adriatico
Amaori, C. Amabri and Felipe Malayo

Faustino Aguilar
Sinag-Ina

Emilio Aguinaldo
Magdalo

Virgilio Almario
Rio Alma

Pascual Alvarez
Bagongbuhay

Aurelio Alvero
Magtanggul Asa

Cecilio Apostol
Catulo, Calipso and Calypso

Francisco Arcellana
Franz Arcellana

Pedro de Govantes de Azcarraga
Conde de Albay

Francisco dela Cruz Balagtas
Francisco Baltazar

Asuncion Lopez Bantug (Rizal’s grand niece)
Apo ni Dimas

Jose Ma. Basa
Isaac Fernando delos Rios

Bautista
Ba Basiong

Gen. Vito Belarmino
Blind Veteran

Andres Bonifacio
Agapito Bagumbayan, while his inspiring Katipunan name was Maypagasa

Felipe Calderon
Simoun and Elias (names from Rizal’s novels)

José Corazón de Jesús
Huseng Batute

Jose dela Cruz
Huseng Sisiw

Marcelo H. Del Pilar
Plaridel, Dolores Manapat, Piping Dilat, Siling Labuyo, Kupang, Haitalaga, Patos, Carmelo, D.A. Murgas, L.O. Crame D.M. Calero, Hilario, and M. Dati.

Severino de las Alas
Di-kilala

Epifanio delos Santos
G. Solon

Valeriano Hernandez Peña
Ahas na Tulog, Anong, Damulag, Dating Alba, Isang Dukha, Kalampag and Kintin Kulirat

Severino Reyes
Lola Basyang

Mariano del Rosario
Tito-Tato

Salvador Vivencio del Rosario
X and Juan Tagalo

Domingo Gomez
Romero Franco

Nestor Vicente Madali Gonzalez
N.V.M. Gonzalez

Fernando Ma. Guerrero
Fluvio Gil

Amado Hernandez
Amante Ernani, Herininia de la Riva and Julio Abril

Emilio Jacinto
Dimas-ilaw and his Katipunan name was Pingkian

Nick Joaquin
Quijano de Manila

Jesus Lava
B. Ambrosio Rianzares

Sixto Lopez
Batulaw

Gen. Antonio Luna
Taga-Ilog

Juan Luna
J.B. and Buan (a translation of his surname Luna which means moon)

Apolinario Mabini
Bini and Paralitico

Jose Palma
Ana-haw, Esteban Estebanes and Gan Hantik

Rafael Palma
Hapon and Dapit-Hapon

Jose Maria Panganiban
Jomapa and J.M.P.

Pascual H. Poblete
Anak-Bayan

Mariano Ponce
Naning, Tikbalang, and Kalipulako

Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda
José Rizal, Dimas-alang (Tagalog for Touch me not), Laong-Laan (which means Ever-prepared), Agnoand Calambeño

Hugo Salazar
Ambut

Moises Salvador
Araw

Jose Turiano Santiago
Tiktik

Lope K. Santos
Anak-Bayan and Doctor Lukas

Juan Crisostomo Soto
Crissot

Luis Taruc
Alipato (which means spark that spreads a fire and one of Rizal’s pet dogs)

Jose Ma. Sison
Amado Guerrero

Dr. Pio Valenzuela
Madlang-Away

Clemente Jose Zulueta
M. Kaun

J. Zulueta
Juan Totoó

]]>
https://thephilippineliterature.com/list-of-filipino-writers-and-their-pseudonyms/feed/ 0
Juan Gathers Guavas https://thephilippineliterature.com/juan-gathers-guavas/ https://thephilippineliterature.com/juan-gathers-guavas/#respond Sat, 05 Dec 2009 14:53:38 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=170 photo from JUAN TAMAD AND THE RICE  CAKES Retold by Renato C. Vibiesca

The guavas were ripe, and Juan’s father sent him to gather enough for the family and for the neighbors who came to visit them. Juan went to the guava bushes and ate all that he could hold. Then he began to look around for mischief. He soon found a wasp nest and managed to get it into a tight basket. He gave it to his father as soon as he reached home, and then closed the door and fastened it.

All the neighbors were inside waiting for the feast of guavas, and as soon as the basket was opened they began to fight to get out of the windows. After a while Juan opened the door and when he saw his parents’ swollen faces, he cried out, “What rich fine guavas those must have been! They have made you both so very fat.”

source:http://infomotions.com/etexts/gutenberg/dirs/1/1/0/2/11028/11028.htm

]]>
https://thephilippineliterature.com/juan-gathers-guavas/feed/ 0
How the Farmer Deceived the Demon https://thephilippineliterature.com/how-the-farmer-deceived-the-demon/ https://thephilippineliterature.com/how-the-farmer-deceived-the-demon/#respond Fri, 04 Dec 2009 11:18:23 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=153 Photo by Julius Mariveles

Photo by Julius Mariveles

Very many years ago, in a far-away land where the trees never changed their green leaves and where the birds always sang, there lived on an island a farmer with a large family. Though all alone on the island and knowing nothing of people in the outer world, they were always happy, as happy as the laughing rills that rippled past their home.

They had no great wealth, depending from year to year on the crops which the father raised. They needed no money, for they lacked nothing; and they never sold their produce, for no people were near to buy. One day in the middle of the year, after the crops were well started, a loud, unusual roar was heard. Suddenly a stiff gale blew up from the southwest, and with it came clouds which quickly hid the entire sky.

The day turned to night. The birds ceased to sing and went to their nests. The wild beasts ran to their caves. The family sought shelter in the house from a heavy downpour of rain which continued for many days and nights. So long did it last that they became very anxious about the condition of things around them.

On the eighth day the birds again began to sing, and the sun was, as usual, bright. The farmer arose early and went out to look at his fields, but, lo! his crop was all destroyed. He went back to the house and told the family that the water-god was angry and had washed away all that he had hoped to have for the coming year.

What were they to do? The supply in the house was getting low and it was too late to raise another crop. The father worried night and day, for he did not know how he could keep his children from starvation.

One day he made a long journey and came into a place that was strange to him. He had never before seen the like of it. But in the midst of a broad meadow he saw a tree with spreading branches like an elm, and as his legs and back were stiff from walking, he went over and sat down under it.

Presently, looking up, he discovered that on the tree were large red fruits. He climbed up and brought some down, and after satisfying his hunger he fell asleep. He had not slept long when he was awakened by a loud noise.

The owner of the place was coming. He was fearful to look upon. His body was like that of a person, but he was of enormous size; and he had a long tail, and two horns growing out of his head. The farmer was frightened and did not know what to do.

He stood motionless till the master came up and began to talk to him. Then he explained that he had come there in search of food to keep his family alive. The monster was delighted to hear this, for he saw that he had the man and the man’s family in his power. He told the traveler that in return for a certain promise he would help him out of his troubles.

The demon, as he was called by some travelers to that land, showed the farmer a smooth, round stone, which, he said, gave its possessor the power of a magician. He offered to lend this to the farmer for five years, if at the expiration of that time the farmer and family would become his slaves. The farmer consented.

Then the demon was glad. He said to the farmer,
“You must squeeze the stone when you wish to become invisible; and must put it in your mouth when you wish to return to human form.”

The man tried the power of the magic stone. He squeezed it, and instantly became invisible to the demon; but he bade him farewell, and promised to meet him in the same place at the appointed time. In this invisible form the man crossed the water that washed the shore of the island on which he lived. There he found a people who lived in communities.

He wanted something to eat, so he went into the shops; but he found that a restaurant owned by a Chinaman was the one to which most people of the city went.

He put the stone in his mouth, thus appearing in visible form, and, entering the restaurant, ordered the best food he could find. He finished his meal quickly and went out. The waiter, perceiving that he did not pay, followed him.

The man had no money; so he squeezed the stone and shot up into the air without being seen. The Chinaman, alarmed by the cry of the waiter, came out and ran in all directions, trying to find and catch the man.

No one could find him; and the people thought he must indeed be a fast runner to escape so quickly, for they did not know of the gift of the demon. Not far from that place he saw groups of men and women going in and out of a large building. It was a bank. The farmer went in to see what he could find.

There he saw bags of money, gold and silver. He chuckled with joy at this opportunity. In order to use his hands freely, he put the stone in his mouth; but before he could fill all his pockets with money, he was discovered by the two guards, who began to pound him on the head.

He struggled to save his life, and finally took the stone out of his mouth and squeezed it. Instantly he vanished from their sight; but he was vexed at the beating he had received, so he carried off all the gold they had in the bank. The people inside as well as outside the building became crazy. They ran about in all directions, not knowing why.

Some called the firemen, thinking the bank was on fire; but nothing had happened, except that the farmer was gone and the two guards were “half dead frightened.” They danced up and down the streets in great excitement, but could not utter a word. Straight home went the farmer, not stopping by the way.

His wife and children were awaiting him. He gave them the money, and told them all about the fortune which he had gotten from the man on their own island,–told all his secrets. Prosperous they became, and with the money which he had brought they purchased all they needed from the city just opposite them.

The time passed so pleasantly that the man was surprised to discover that his promise would be due in two more days. He made preparations to go back to the land of his master.

Arrived there, he met the same monster under the same tree. The demon was displeased to see the old man alone, without the family which also had been promised. He told the man that he would shut him in a cave and then would go and capture those left at home.

But the farmer would not go to the cave. The demon tried to pull him into a deep hole. Both struggled; and at last the farmer squeezed the magic stone and disappeared.

He took a green branch of the tree and beat the demon. The demon surrendered. He begged for mercy. The farmer went home, and from that day thought no more of the demon. He knew that while he held the stone the monster would never come to trouble him. And the family lived on in peace and happiness, as they had done before the water-god became angry with them.

From Philippine Folk-Tales By Clara Kern Bayliss
http://infomotions.com/etexts/gutenberg/dirs/1/1/0/2/11028/11028.htm

]]>
https://thephilippineliterature.com/how-the-farmer-deceived-the-demon/feed/ 0