Archive for the 'Sabayang Pagbigkas' Category

Mga Tula para sa Sabayang Pagbigkas

Wednesday, August 6th, 2014

Ayon kay Abad (1996), ang Sabayang Pagbigkas ay isang kawili-wiling pamaraan ng pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan ng pagsanib-sanib ng mga tinig ng koro ayon sa wasto nilang tunog, puwersa at lakas. Katangian ng isang Mahusay na Piyesa 1. May sapat na katanyagan; may pagpapahalaga at kamalayang panlipunan at kasaysayan. 2. Nagtuturo ng kahalagahang moral […]

KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN

Wednesday, August 6th, 2014

Amado V. Hernandez Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa: Ang bandilang sagisag mo?y lukob ng dayong bandila, Pati wikang minana mo?y busabos ng ibang wika, Ganito ring araw nang agawan ka ng laya, Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

SABAYANG PAGBIGKAS

Wednesday, August 6th, 2014

Wikang Filipino… Sagisag ng Pagka-Pilipino Ni Ernest Genesis Mercado Guevara Tagalungsod, tagalalawigan,ang iba’y nagbalikbayan Isang lahing kinamulatan, sa isang bansa isinilang, May sariling wika na sa puso at isipa’y nakapunla Liping hindi ikahihiya dahil sa Pilipinas tayo nagmula. Wikang Filipino,hatid sa madla’y karunungan Sumasalamin sa kalinangan at damdaming makabayan, Tulay na nag-uugnay sa pagpapahayag ng […]

Pamana ng Lahi

Wednesday, August 6th, 2014

ni Patrocinio V. Villafuerte (Sabayang Pagbigkas) Di mo man sabihin, aking nababatid, Ikaw’y naglalakbay sa Bagong Daigdig; Paraisong dati’y hinanap, inibig, Alaala na lang na di magbabalik Sabay sa pagsikat ng Bagong Umaga, Naglaho nang ganap ang pangungulila; Hungkag na buhay mo’y mabigyan ng pag-asa, Ang Bagong Lipunan, may handog na ligaya.

Ang Buhay

Wednesday, August 6th, 2014

Amando V. Hernandez May isang dalagang maganda’t marilag, Lahat nang naisi’y natatamong lahat; Subalit ng minsang limutin ng liyag, Ay lason ang kanyang nagging pahimakas. May isang lalaking marunong at bantog, Halos pati langit kanyang naaabot; Ngunit nang bumagsak sa pagkakatampok, Sa sariling buhay, punlo ang lumagot.

Isang Dipang Langit

Wednesday, August 6th, 2014

ni Amado V. Hernandez (Bartolina ng Muntinlupa – Abril 22, 1952) Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin, katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay […]