Sabayang Pagbigkas – Philippine Literature https://thephilippineliterature.com Your Ultimate Source of Past and Present Literary Filipino Works Mon, 27 Aug 2018 13:28:29 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=4.9.8 Mga Tula para sa Sabayang Pagbigkas https://thephilippineliterature.com/mga-tula-para-sa-sabayang-pagbigkas/ https://thephilippineliterature.com/mga-tula-para-sa-sabayang-pagbigkas/#respond Wed, 06 Aug 2014 02:56:03 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=1041 Ayon kay Abad (1996), ang Sabayang Pagbigkas ay isang kawili-wiling pamaraan ng pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan ng pagsanib-sanib ng mga tinig ng koro ayon sa wasto nilang tunog, puwersa at lakas.

Katangian ng isang Mahusay na Piyesa

1. May sapat na katanyagan; may pagpapahalaga at kamalayang panlipunan at kasaysayan.
2. Nagtuturo ng kahalagahang moral at nagdudulot ng inspirasyon.
3. Nagbibigay ng pag-asa sa buhay, ng kabutihan at kamaharlikahan ng pangkatauhan ng wika at kabanalan. Iwasan ang piyesang nagpapakita ng kabangisan, ng kahayupan, ng pagmamalupit at ng di-makatao.
4. Lumilinang sa paniniwala ng kagandahan ng ating bayan na ang ating uri ng pamumuhay ay may tatak ng pagkamaginoo at katapangan, na tayong mga Pilipino ay may mataas at matatag na adhikaing bumuo at tumuklas ng kanyang sariling patutunguhang bukas.

Mga Mungkahing Tula na Maaring Gamitin sa Sabayang Pagbigkas:

]]>
https://thephilippineliterature.com/mga-tula-para-sa-sabayang-pagbigkas/feed/ 0
KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN https://thephilippineliterature.com/kung-tuyo-na-ang-luha-mo-aking-bayan/ https://thephilippineliterature.com/kung-tuyo-na-ang-luha-mo-aking-bayan/#respond Wed, 06 Aug 2014 02:40:27 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=1038 Amado V. Hernandez

bulwaganblog-bayan-ko-image
Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo?y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo?y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
Sa libingan ng maliit, ang malaki?y may libingan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
Na sa iyo?y pampahirap, sa banyaga?y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana?y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa?y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo?y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha?t ang laya mo?y nakaburol.

May araw ding ang luha mo?y masasaid, matutuyo,
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala?y lalagutin mo ng punglo

]]>
https://thephilippineliterature.com/kung-tuyo-na-ang-luha-mo-aking-bayan/feed/ 0
SABAYANG PAGBIGKAS https://thephilippineliterature.com/sabayang-pagbigkas/ https://thephilippineliterature.com/sabayang-pagbigkas/#respond Wed, 06 Aug 2014 02:37:20 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=1035 buwan ng wika 2014
Wikang Filipino… Sagisag ng Pagka-Pilipino
Ni Ernest Genesis Mercado Guevara

Tagalungsod, tagalalawigan,ang iba’y nagbalikbayan
Isang lahing kinamulatan, sa isang bansa isinilang,
May sariling wika na sa puso at isipa’y nakapunla
Liping hindi ikahihiya dahil sa Pilipinas tayo nagmula.

Wikang Filipino,hatid sa madla’y karunungan
Sumasalamin sa kalinangan at damdaming makabayan,
Tulay na nag-uugnay sa pagpapahayag ng kaisipan
Nagsisilbing kawing tugon sa pag-uunawaan.

Wika’y pundasyon sa karunungang pantao
Tagapaghatid ng kaalaman at katangian ng Pilipino,
Mahalaga sa usapan at pangangatwirang totoo
Marapat na pahalagahan para sa kaunlaran at pagbabago

Matagal ng usapin pagpapaunlad sa wika ng bayan
Dahil lubos na niyakap,wikang nagmula sa dayuhan,
Dayuhang dumusta, ginulo ang isipan
Kaya ng tayo’y lumaya, nawala sariling pagkakakilanlan.

Sa ganitong kalagayan, dalubwika may mithiin
Masusing pinag-aaralan pag-unlad ng wika natin
Para matutunton ang kaganapan ng lahat ng naisin
Ang mapayabong pa ang lahat ng mga wikain.

Upang matugunan ang suliranin ng sambayanan
Wikang magbibigkis, siya nating kailangan
Kung wikang Filipino ang gagamitin sa araw-araw
Tiyak itong epektibo , mga gawa’y makabuluhan.

Wika nati’y yayabong kung tatanggapin ang pagbabago
Na gamitin ang diyalekto at salitang hiram sa kausap mo,
May batas na nagpapahintulot na pag-aralan ang mga ito
Huwag lang kalilimutan ang wika nati’y Filipino.

Sagana ang Pilipinas sa mga katutubong wikain
Iba-iba ang bigkas at diin ngunit ito’y Filipino pa rin,
Saanman dako ng bansa malaya nating gamitin
Ilokano, Sambal, Ivatan, Ifugao na sariling atin

Kilos na kababayan, wika natin ipagmalaki
Ito na ang panahon ng ating pagbubunyi.
Ngayon ay buwan ng mga wikang tatak ng ating lahi.
Wikang Filipino… wika ng liping kayumanggi.

]]>
https://thephilippineliterature.com/sabayang-pagbigkas/feed/ 0
Pamana ng Lahi https://thephilippineliterature.com/pamana-ng-lahi/ https://thephilippineliterature.com/pamana-ng-lahi/#respond Wed, 06 Aug 2014 02:33:35 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=1033 ni Patrocinio V. Villafuerte
(Sabayang Pagbigkas)

Di mo man sabihin, aking nababatid,
Ikaw’y naglalakbay sa Bagong Daigdig;
Paraisong dati’y hinanap, inibig,
Alaala na lang na di magbabalik

Sabay sa pagsikat ng Bagong Umaga,
Naglaho nang ganap ang pangungulila;
Hungkag na buhay mo’y mabigyan ng pag-asa,
Ang Bagong Lipunan, may handog na ligaya.

Ngunit ang lipuna’y hindi nagwawakas,
Sa mga pangako at mga pangarap;
Damdaming dakila at diwang matalas,
Siyang magbubukas sa malayang pugad.

Pag-unlad ng bansa’y may hatid-pangako,
Na ang kalinanga’y dapat na mabuo;
Kulturang pambansa’y di dapat isuko,
Hayaang magbunga’t mabusog sa puso.

Ngunit tila yata nalilimutan mo,
Mga kaugaliang buhay-Pilipino,
Ang lahat ng ito ay pagyamanin mo,
Ay nasyonalismo’y mapapasaiyo.

Ang pagkakaisa’y pagbabayanihan,
Nag-usbong sa diwa’t lahing makabayan,
Kung sasariwain at pagbabalikan,
Ang pagkakabuklod ay masisilayan.

Sa pistang-bayan masasaksihan mo,
May perya’t pabitin saka palo-sebo,
At ang santakrusan ay pinagdarayo.

Sa mga tahana’t pook na dakila,
Ang tanging biyaya’y moral na adhika;
Payo ng magulang ay banal na wika,
Sa mabuting anak ay buhay na nasa.

Ang lahat ng ito’y pamana ng lahi,
Gabay nitong bansa’t dangal nitong lipi;
Kaya’t magsikap ka, tuwa’y magbibinhi,
Ikaw’y Pilipinong dapat na maghari.

]]>
https://thephilippineliterature.com/pamana-ng-lahi/feed/ 0
Ang Buhay https://thephilippineliterature.com/ang-buhay/ https://thephilippineliterature.com/ang-buhay/#respond Wed, 06 Aug 2014 02:23:04 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=1028 Amando V. Hernandez

May isang dalagang maganda’t marilag,
Lahat nang naisi’y natatamong lahat;
Subalit ng minsang limutin ng liyag,
Ay lason ang kanyang nagging pahimakas.

May isang lalaking marunong at bantog,
Halos pati langit kanyang naaabot;
Ngunit nang bumagsak sa pagkakatampok,
Sa sariling buhay, punlo ang lumagot.

bayanihan_501c3_w590
May isang pulubing singhirap ng daga,
Kung ‘di makalimos, tutong man ay wala;
Kapit-tuko pa rin sa buhay na dusta,
Gayong usad-uod sa pagdaralita.

May isang matandang mistula nang pagong,
Hindi kayang dalhin ang bigat ng taon;
Tuwing magdarasal sa Mahal na Poon,
Mahabang buhay pa ang ibinubulong.

Kabalintunaan ang buhay sa mundo,
Paru-paro’y halos mamatay sa bango;
Ngunit sa libingan, sa tuntungang bato,
Namumulaklak pa ang kawawang damo.

May buhay na ilang ang nakakawangki,
malawak ay tigang sa anumang binhi;
may buhay na tulad ng kanaryong munti,
matamis ang awit sa bawat sandali.

Isang katanungang mahirap sagutin,
nanggalingsa wala’t saw ala hihimpil;
subali’t may taong buhay nga’y patay din
at may di magawang patayin ng libing.

Karaniwang tao ay buhay-alimang,
ngunit magiting ding nagsasapalaran;
binibigyang-mat’wid na ang asong buhay,
higit na mabuti kasya haring patay.

Madaling isilang ang tao sa mundo,
madalingmabuhay ang masmang damo;
subalit ang laging bilin ng nuno ko
“Atong, sikapin mong ika’y maging tao.”

]]>
https://thephilippineliterature.com/ang-buhay/feed/ 0
Isang Dipang Langit https://thephilippineliterature.com/isang-dipang-langit/ https://thephilippineliterature.com/isang-dipang-langit/#respond Wed, 06 Aug 2014 01:41:25 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=1025 ni Amado V. Hernandez
(Bartolina ng Muntinlupa – Abril 22, 1952)

Isang Dipang Langit

Isang Dipang Langit


Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!

]]>
https://thephilippineliterature.com/isang-dipang-langit/feed/ 0