Archive for the 'Works Written in Filipino/Tagalog' Category

Biopoem

Wednesday, August 7th, 2013

Ang biopoem ay isang porma ng tula na naglalarawan at nagpapakilala sa isang tao sa loob ng labing-isang (11) linya lamang. Pangalan 4 na pang-uri na naglalarawan sa tao Anak nina (pangalan ng kanyang mga magulang) Nagmamahal sa/kay/kina (mga bagay/tao na mahalaga o kinahihiligan niya) Tatlong damdaming kanyang nararamdaman Nangangailanag ng (tatlong bagay na kailangan […]

KAY MARIANG MAKILING

Tuesday, August 6th, 2013

Edgar Calabia Samar Nagpaalam noon ang Nanay. Hindi ipinaalam kung saan siya pupunta. Anong pook ang maaari niyang puntahan upang di na magbalik? Anong pook ang maaari niya? Nagkampo kami ni Tatay sa Makiling. Inalala ang kuwento ng diwatang naglaho sa panglaw ng sariling panaghoy. “Hindi na siya babalik,” sabi ni Tatay. Pag-uwi, tinanaw ko […]

Mina ng Ginto

Sunday, June 9th, 2013

Alamat ng Baguio Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas. Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin […]

Pork Empanada

Tuesday, November 13th, 2012

ni Tony Perez Madalas ka ba sa Katipunan? Siguro’y nakita mo na ang Frankie’s Steaks and Burgers, sa tabi ng bagong Cravings, malapit sa Lily of the Valley Beauty & Grooming Salon. Kung nakita mo na iyon, nakita mo na rin siguro si Bototoy. Lunes hanggang Sabado, inaakyat ni Bototoy ang liku-likong landas mula Barangka […]

Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan

Thursday, November 8th, 2012

ni Conrado de Quiros Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit kinakausap natin ang ating mga aso sa wikang Ingles. Wala kang naririnig na nagsasabing, “Upo, Bantay, upo,” o “Habol, Kidlat, habol.” Ang maririnig mo ay “Sit, Rover, sit,” o “Fetch, Fido, fetch.” O kung poodle, Fifi. Kung sa bagay tayo mang mga taong Filipino […]

Pimples, Comic Strip by Pol Medina, Jr.

Tuesday, October 30th, 2012

PAKPAK

Friday, September 28th, 2012

ni Jose Corazon de Jesus 1928 Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa at ako’y lilipad hanggang kay Bathala… Maiisipan ko’y mga malikmatang sukat ikalugod ng tao sa lupa; malikikha ko rin ang mga hiwaga, sa buhay ng tao’y magiging biyaya. Ano ba ang sagwang sabay sa pagtahak kundi siyang pakpak ng bangka sa dagat? […]

PAG-IBIG

Thursday, September 27th, 2012

ni Jose Corazon de Jesus 1926 Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha! Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata; Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata; Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa. Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso! Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo’y naglalaho; […]

BAYAN KO

Wednesday, September 26th, 2012

Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang palad Nag-alay ng ganda’t dilag.

Mabangis na Lungsod

Thursday, June 14th, 2012

ni Efren Abueg Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa […]