Archive for the 'Works Written in Filipino/Tagalog' Category

BITUING MARIKIT

Wednesday, July 7th, 2010

by Nicanor Abelardo Bituing marikit sa gabi ng buhay Ang bawat kislap mo’y ligaya ang taglay Yaring aking palad iyong patnubayan At kahit na sinag, ako’y bahaginan

SA UGOY NG DUYAN

Wednesday, July 7th, 2010

Music by Lucio San Pedro Lyrics by Levi Celerio Sana’y di magmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni Nanay Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Ang Pipit

Wednesday, July 7th, 2010

By Levi Celerio and Lucio San Pedro May pumukol sa Pipit sa sanga ng ng isang kahoy At nagahip ng bato ang pakpak ng munting ibon Dahil sa sakit, di nakaya pang lumipad At ang nangyari ay nahulog ngunit parang taong bumigtas Mamang kay lupit, ang puso mo’y di na nahabag Pag pumanaw ang buhay […]

Sinisinta Kita

Tuesday, July 6th, 2010

Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino Kung ang sinta’y ulilahin sino pa kayang tatawagin Kung hindi si Neneng kong giliw Naku kay layo sa piling

Leron-leron Sinta

Tuesday, July 6th, 2010

Leron-leron sinta Umakyat sa papaya Dala-dala’y buslo Sisidlan ng bunga. Pagdating sa dulo Nabali ang sanga. Kapus-kapalaran; Humanap ng iba!

Ako’y Maliit na Pitsel

Tuesday, July 6th, 2010

Ako ay maliit na pitsel. Heto ang tatangnan Heto ang bibig. Kung ako’y puno ng inumin, Isalin at ubusin. (the Filipino version of I’m a Little Teapot)

Mama, mamang namamangka

Tuesday, July 6th, 2010

Mama, mamang namamangka Ipagsakay yaring bata Pagdating sa Maynila Ipagpalit ng kutsinta! Ale, aleng namamayong Ipagsukob yaring sanggol, Pagdating sa Malabon, Ipagpalit sa bagoong!

Ako’y May Alaga

Tuesday, July 6th, 2010

Ako’y may alaga Asong mataba Buntot ay mahaba Makinis ang mukha Mahal niya ako Mahal ko rin siya Kaming dalawa Laging magkasama.

Bahay Kubo

Tuesday, July 6th, 2010

Bahay kubo, kahit munti Ang halaman doon ay sari-sari Singkamas at talong, Sigarilyas at mani, Sitaw, bataw, patani, Kundol, patola, Upo’t kalabasa Saka mayroon pa Labanos, mustasa, Sibuyas, kamatis, Bawang at luya Sa paligid-ligid May puno ng linga

Sitsiritsit

Tuesday, July 6th, 2010

Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino Sitsiritsit, alibangbang, salaginto, salagubang, ang babae sa lansangan, kung gumiri’y parang tandang. Mama, mama, namamangka Pasakayin yaring bata Pagdating sa Maynila Ipagpalit ng manika. Ale, ale, namamayong Pasukubin yaring sanggol Pagdating sa Malabon Ipagpalit ng bagoong.