Uncategorized – Philippine Literature https://thephilippineliterature.com Your Ultimate Source of Past and Present Literary Filipino Works Mon, 27 Aug 2018 13:28:29 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=4.9.8 Two Long Weekends for August https://thephilippineliterature.com/two-long-weekends-for-august/ https://thephilippineliterature.com/two-long-weekends-for-august/#respond Wed, 16 Aug 2017 04:01:42 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=1236 This August, we will be enjoying two long weekends as there will be two consecutive Mondays in the official holidays list.

philippine holidays 2017

President Rodrigo Duterte had signed the Proclamation No. 50.

The regular holidays are:

January 1, 2017, Sunday – New Year’s Day
April 9, 2017, Sunday – Araw ng Kagitingan
April 13, 2017 – Maundy Thursday
April 14, 2017 – Good Friday
May 1, 2017, Monday – Labor Day
June 12, 2017, Monday – Independence Day
June 26, 2017, Monday – Eid’l Fitr
August 28, 2017, last Monday of August – National Heroes’ Day
November 30, 2017, Thursday – Bonifacio Day
December 25, 2017, Monday – Christmas Day

December 30, 2017, Saturday – Rizal Day

Special (non-working) days:

January 2, 2017, Monday – based on Proclamation No. 117
January 28, 2017, Saturday – Chinese New Year
February 25, 2017, Saturday – EDSA Revolution Anniversary
April 15, 2017 – Black Saturday
August 21, 2017, Monday – Ninoy Aquino Day
October 31, 2017, Tuesday – additional special (non-working) day
November 1, 2017, Wednesday – All Saints’ Day
December 31, 2017, Sunday – last day of the year

Filipinos will also have another special holiday for the observance of Eid’l Adha, but the date has yet to be announced.

]]>
https://thephilippineliterature.com/two-long-weekends-for-august/feed/ 0
Igorot Story of Creation https://thephilippineliterature.com/igorot-story-of-creation/ https://thephilippineliterature.com/igorot-story-of-creation/#respond Fri, 07 Jul 2017 04:56:04 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=1232 “People from the mountains” or Igorot are one of the many indigenous tribe in the Philippines. They have inhabited generally the southern part of Benguet and Nueva Vizcaya. They have left so many folklores that contributed to Philippine Literature. One of which tells how the world began.

]]>
https://thephilippineliterature.com/igorot-story-of-creation/feed/ 0
Contribute your works to the eleventh issue of Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature. https://thephilippineliterature.com/contribute-your-works-to-the-eleventh-issue-of-likhaan-the-journal-of-contemporary-philippine-literature/ https://thephilippineliterature.com/contribute-your-works-to-the-eleventh-issue-of-likhaan-the-journal-of-contemporary-philippine-literature/#respond Mon, 24 Apr 2017 03:25:40 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=1221 The UP Institute of Creative Writing (ICW) is now accepting submissions for the eleventh issue of Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature.

The Philippines’ leading literary peer-reviewed journal, the Likhaan Journal is published annually with funding from the University of the Philippines. It features the best of new and unpublished Philippine writing in English and Filipino. Submissions to the journal undergo a strict pre-screening and blind refereeing process by both the editors and a panel of referees composed of eminent writers and critics from within and outside UP.

Award-winning writer Luna Sicat Cleto will be the issue editor.

The guidelines are as follows:

For its eleventh issue, Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature will accept submissions following the theme of Popular Science Writing and Speculative Fiction.
Submissions will be accepted in the following genres, in both English and Filipino:

Short stories ranging from about 12 to 30 pages double-spaced, in 12 points Times Roman, New York, Palatino, Book Antique, Arial or similar fonts. A suite of short prose pieces will be considered.
A suite of four to seven poems, out of which the editors might choose three to five. Long poems will be considered in lieu of a suite.
Literary and personal essays, including memoirs, profiles, etc., subject to the same length limitations as short stories (see above).
Critical/scholarly essays, subject to the same length limitations as short stories (see above).
Excerpts from graphic novels, or full, short graphic stories, for reproduction in black and white on no more than 10 printed pages, 6” x 9.” Excerpts should be accompanied by a synopsis of the full narrative.
Submissions should be sent as MS Word document. Do not submit as PDF.
2. All submissions must be original and previously unpublished.
3. All submissions must be accompanied by a cover letter (including the author’s contact information) and a biographical sketch of no more than one or two short paragraphs.
4. Submissions may be e-mailed to [email protected], or posted to The Editors, Likhaan Journal 11.
5. For submissions sent via e-mail, please use the following subject line and filename format: [Language], [Genre], [Title], [Author’s Last Name]. For example: English, Fiction, “The Life,” Aquino. The attachment should either be a .DOC, .DOCX or .RTF file.
6. All submissions should be received (whether by e-mail or post) no later than April 30, 2017.
7. All submissions will undergo a strict pre-screening and blind refereeing process by the editors, and a panel of referees composed of eminent writers and critics from within and outside the University of the Philippines.
8. Writers whose work will be accepted for publication will receive a substantial cash payment and a copy of the published journal.
9. The editors reserve the right to edit any and all materials accepted for publication.
10. The editors may also solicit or commission special, non-refereed articles for publication outside of the aforementioned genres and categories to enhance the editorial content and balance of the journal.

Previous issues of the Likhaan Journal are available for download as PDF file at http://journals.upd.edu.ph. Please direct any and all inquiries to the managing editor, Isa Lorenzo, at [email protected].

]]>
https://thephilippineliterature.com/contribute-your-works-to-the-eleventh-issue-of-likhaan-the-journal-of-contemporary-philippine-literature/feed/ 0
Ang Florante at Laura https://thephilippineliterature.com/ang-florante-at-laura/ https://thephilippineliterature.com/ang-florante-at-laura/#respond Mon, 15 Sep 2014 09:45:54 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=1052 buod ng kwento
ni: Fancisco Baltazar

Nagsimula ang salaysay ng awit sa isang gubat na mapanglaw. Nakatali sa isang punong kahoy at naghihinagpis si Florante. Si Konde Adolfo ang dahilan ng kanyang kasawian at nawalan siya ng malay tao habang inaalala ang kasintahang si Laura.nalaman niyang pumayag daw si Laura na pakasal kay Konde Adolfo.

Sisilain ng dalawangleon si Florante nang siya ay iligtas ni Prinsepe Aladin ng Persya. Nang magkamalay tao si Florante, nagulat sya sapagkat nasa kandungan sya ng isang kaaway. Nagkapalagayan sila ng loob at isinalaysay ni Florante and buhay niya kay Prisepe Aladin.

florante-at-laura

Anak si Florante ni Duke Briseo na tagapayo ni Haring Liceo ng Alabanya, at ni Prosesa Floresca ng Crotona. Ipinadala sya ng ama sa Atena upang mag-aral at dtto niya nakaaway ang dati at panunahing mag-aaral na si Konde Adolfo na naiingit sa katanyagan ni Florante. Mabuti at nailigtas si Florante ni Menandro na pamangkin ng guro nilang si Antenor at kaibigang matalik ni Florante nang totohanin ni Adolfo ang pag-espada ni Adolfo kay Florante sa isa nilang palabas. Itinawag si Adolfo at ito’y umuwi sa Albanya.

Umuwi rin sa Albanya si Florante dahilan sa namatay ang ina niya. Noon naman humingi ng saklolo sa Albanya ang hari ng Crotona na lolo ni Florante. Bumuo ng pangkat na tutulong sa Crotona at si Florante ang ginawang pinuno nito. Bago nagtungo sa Crotona naging kasintahan ni Florante si Laura na anak ng hari ng Albanya.
Nagwagi si Florante sa Crotona at tinalo niya ang tanyag na heneral ng Persya, si Osmalik. Nang magbalik sa Albanya, nilusob at nakubkob ng mga Persyano ang Albanya. Tinalo rin nina Florante at Menandro ang mga Persyano.
Nilusob nina Florante at Menandro and Etolia nang tumanggi ng tawag si Florante mula sa hari ng Albanya at siya ay pinauwi. Patibong lamang iyon ni Adolfo na umagaw sa kaharian. Pinatay ni Adolfo si Haring Liceo at Duke Briseo. Dinakip ng mga kawal ni Adolfo si Florante at ipinagapos sa gubat habang pinipilit si Laura na pakasal kay Adolfo.

Si Aladin naman ang nagsalaysay ng buhay niya. Anak siya ng sultan ng Persya, si sultan Ali Adab, at siya ang namuno sa mga persyanong lumusob sa Albanya. Nagbalik siya sa Persya at gali siyang ipinahuli ng kanyang ama sa bintang na pinabayaan niya sa pakikipaglaban sa Albanya kay natalo ang mga Persyano. Pinalaya lamang siya nang pumayag si Flerida, ang kasintahan niya, na pakasal sa sultan. Ngunit tumakas si Flerida nang palayain si Aladin at hinanap niya si Aladin. Masayang tinig ng mga babae and pumukaw sa pag-uusap ng dalawa. Sina Flerida at Laura ang dumating.nailigtas ni Flerida si Laura sa tangkang panggagahasa ni Konde Adolfo sa gubat. Pinana ni Flerida ang taksil.

Pamaya-maya dumating ang pankat nina Menendro. Nagbalik ito mula sa Etolia, at tinalo ang pangkat ni Adolfo. Kaya itinakas ni Adolfo si Laura at nais pagsamantalahan.

Sa Albanya muna nanirahan sina Aladin at Flerida na kapwa nagpabinyag bilang kristiyano habang hindi pa namamatay si Sultan Ali Adab. Nang mamatay na ang sultan, nagbalik sa Persya sina Aladin at naghari doon. Sina Florante at Laura naman ang namuno sa Albanya.

]]>
https://thephilippineliterature.com/ang-florante-at-laura/feed/ 0
UP Department of Filipino tumatanggap na ng aplikasyon para sa Malikhaing Pagsulat. https://thephilippineliterature.com/up-department-of-filipino-tumatanggap-na-ng-aplikasyon-para-sa-malikhaing-pagsulat/ https://thephilippineliterature.com/up-department-of-filipino-tumatanggap-na-ng-aplikasyon-para-sa-malikhaing-pagsulat/#respond Fri, 07 Mar 2014 00:59:36 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=989 Application Deadline: Feb. 28, 2014

Tumatanggap na ang UP Department of Filipino ng aplikasyon para sa SERTIPIKO NG MALIKHAING PAGSULAT SA FILIPINO (SMPF) para sa Akademikong Taon 2014-2015.

MGA KAHINGIAN SA PAGPASOK SA SMPF:

1. Nagtapos ng High School o mga bukas sa pagpapatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo mula sa pagiging fieshman sa kolehiyo

2. Pagpasa sa qualifying test at interview na ibibigay ng Deparlamento sa takdang panahon

3. Nasagutang application form

4. Certified photocopy ng High School Report Card (Form 137), may GWA na 85 (lst-3rd year High School at lst-3rd quarter ng 4th year)

5. Halimbawa ng mga nagawang akda (kombinasyon ng dalawa hanggang tatlo mula sa mga sumusunod):

a. tula
b. maikling kuwento
c. maikling sanaysay
d. kuwentong pambata
e. nobela o nobeleta
f. dula
g. teleplay o iskrip sa pelikula
6. Halimbawa ng mga sulatin o maikliing akdang nailathala sa school paper o/at sa ibang publikasyon, kung mayroon

7. Rekomendasyon mula sa isang dating guro sa larangan ng panitiknn, wika, o/at malikhaing pagsulat

8. P400.00 na application fee (non-refundable, marapat munang isumite ang application form at mga kahingian bago magbayad)

9. Agreement Letter sa pagitan ng Departamento at Estudyante ukol sa mga rekisitos at pribilehiyo sa pagpasok sa kursong SMPF

10. lnterbyu ng Tagapangasiwang Komite sa Sertipiko ng Malikhaing Pagsulat (Para sa mga matatanggap na aplikante)

11. Pagapatibay ng Tagapangasiwa sa Programang Di-gradwado

12. Pagpapatibay ng Tagapangulo ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP)

13. Pagpapatibay ng kaguruan ng DFPP

14. Pagpapatibay ng tanggapan ng Dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura

Paalala: ang mga numerong 3-7 ay dapat may 6 na kopya. Tiyaking may 6 na set na nakalagay sa tig-iisang folder na nakasuksok sa isang envelope. HINDI tatanggapin ang mga aplikasyon na hindi kumpleto ang mga kahingian at bilang ng mga kopya. Lagyan ng pangalan ang labas ng envelope. Huwag maglalagay ng orihinal na kopya. Kopya lamang subalit may tatak na mula ito ipinakopyang orihlnal.

Mga Importanteng Petsa:

Pagtanggap ng aplikasyon – 13 Pebrero – 28 Pebrero 2014
Oryentasyon para sa mga aplikante 05 Marso 2014,2:00 n.h., DFPP AVR
Written Exam – 15 Marso 2014, 1:00-4:00 n.h.
lnterview – 22 Marso 2014, 9:00 n.u. – 5:00 n.h.
Resulta ng aplikasyon – 07 Abril 2014
Para sa application form at detalye, tawagan ang UP Department of Filipino, c/o Susan o Marie sa 9818500 loc 2123 (UP trunkline).

]]>
https://thephilippineliterature.com/up-department-of-filipino-tumatanggap-na-ng-aplikasyon-para-sa-malikhaing-pagsulat/feed/ 0
My Favorite Book 2013 contest rules https://thephilippineliterature.com/my-favorite-book-2013-contest-rules/ https://thephilippineliterature.com/my-favorite-book-2013-contest-rules/#respond Sat, 10 Aug 2013 03:24:47 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=978 The Philippine Daily Star and National Bookstore

http://www.philstar.com/sunday-life/2013/06/23/956973/my-favorite-book-2013-contest-rules

]]>
https://thephilippineliterature.com/my-favorite-book-2013-contest-rules/feed/ 0
karagatan: Inang Wika https://thephilippineliterature.com/karagatan-inang-wika/ https://thephilippineliterature.com/karagatan-inang-wika/#respond Sun, 07 Jul 2013 11:46:46 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=961 Ang iyong mababasa ay unang bahagi ng pagtatanghal ng Karagatan ng Sulo ng Inang Wika noong ika-19 ng Disyembre 1967, sa Ika-19 na Pagkakatatag ng Unibersidad ng Manuel L. Quezon.

ANG KARAGATAN
(May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.)

Tandang Terong: Humm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay ‘di
pa nagagatungan.

Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y
makakain.

Maring: Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit
na marami ang nasa kalan kaysa kailangan.

Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya’t
naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong sarap; ngunit pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan.Kung ‘di matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang kakausapin, mga kanayon ano’ng kailangan?

Lahat: Tanging paraa’y ang karagatan.

Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng?

Neneng: Tumanggi man po ako’y walang mangyayari. Kagustuhan
rin ninyo ang masusunod.

Ingkong Terong: At kayong apat?

Apat na Lalaki : Opo.

Ingkong Terong: Akin na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalaga
ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa garapon).
Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang
sisisid sa singsing na inihulog ni Neneng. (Palabunutan).
At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibig
upang makuha ang singsing.

Mga Tao: (Palakpakan)

Isang Tao: Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang
nailunod na talisuyo sa karagatan.

Berting: Magandang gabi sa inyong lahat
Mga nariritong kanayon ni Neneng
At sa iyo mutya’y muling nagpupugay.
Ipinangangakong nahulog mong singsing
Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay
Tanda ng pag-ibig na walang hangganan.
Dahilan sa ako’y siyang nakabunot
Ng palitong itong nagpapahintulot
Ako ay sumisid sa dagat ng nais
At ang iyong singsing ay aking makamit
Ay katunayan nang Diyos ang pumili
Na ako ngang ito’y siya mong itangi.
Sumisid sa singsing na aking hinulog
Subalit ‘di upang siyang maging irog
Kundi idaan lang muna sa pagsubok
Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito
At singsing kong ito ay nang maangkin mo
Ang singsing na itong linso’t walang bato
Turan mo’ng simula at ang dulo nito.

Berting: Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat
Na ‘di matatarok ng isip kong pahat.
Kaya’t iyong singsing nais mang makuha
Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta.

Kulas: Ang pagkakatao’y isalin sa iba
Nang ‘di masabing ikaw ay buwaya
Akong nabunot ng pang-ikalawa
Inaangkin hirang kanyang karapatan
Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong
Na siyang panumbas sa iyong pag-irog.

Neneng: Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin
Ang lalim ng puno’t dulo niyang singsing.

Kulas: Singsing, aking Neneng, walang puno’t dulo
Mayroon ngang simula at may wakas ito
Ang simula’y bilog nito na panloob
At ang katapusa’y panlabas na bilog.
Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig
Haya’t nasisid ko singsing mong nahulog.

Neneng: Iyan ang tanong diyan kay Lamberto
Kaya’t heto naman ang para sa iyo;
Nang ika’y parito, pamula sa kanto
Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo?
May ilaw ay ilan, iyo sanang turan
Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo?

Kulas: Salamat Neneng ko’t iyang katanungan
Kay daling sagutin kaya’t aking masasabing
Ako’y tanging mahal; Heto ang tugon ko:
Bahay, pito lamang at sa mga ito’y
Aking natandaan, apat ang may ilaw-
Ito’y patotoong isip ko’y malinaw.

Neneng: Kulas, ika’y mali sa iyong katugunan
Kaya’t isasalin itong aking tanong
Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong
At siyang sisisid, sa singsing kong bugtong.

Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin mo
Kaya’t iyong dinggin ang tugon ko’y:
Pamula sa kanto at hanggang sa rito
Walang bahay ni ilaw akong natandaan
Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal.
Mga Tao: (Palakpakan at kantiyawan)

Neneng: Kung gayon ito naman ay tugunin
Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin
Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo
Hindi tumatapon walang ligwak ito?

Nardo: Sa abot ng isip narito ang tugon:
Tubig, bato’t tao, at lahat sa mundo
Ay ‘di tumatapon dahil sa ang globo
Ay isang malaki’t mabisang magneto;
Hinihigop nito ang lahat ng narito
At sa kalawaka’y ‘di tayo tutungo.

Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo!

Neneng: Pangalawang tanong,heto na’t pakinggan
Paanong buwang sa langit ay tanglaw
Aking mahihipo’t mapaglalaruan?
Ito’y pangarap nang ako’y musmos pa lamang
Kung talagang ako ay sadyang mahal mo
Paiirugan mo ang hiling kong ito.

Nardo: Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo,
Noong ako’y munti’t pinalalaki mo.
Isang paborito’t ibig kong kuwento
Ay siyang panugon sa tanong na ito.
Sa pamamagitan ng isang salamin
Minumutyang buwan ay pabababain
Kahit sa kandungan ng mutya ko’t giliw
Mapaglalaruang buwang hinihiling.

Mga Tao: Magaling! Iyan ang binata namin!…
Pakinggan natin ang tanong na ikatlo.

Nardo: Ako’y nakahanda sa pangatlong tanong
Singsing na nahulog aking sisisirin
Sukdang ikapugto ng hiningang tangan
Kung puso ng mutya’y aking maaangkin.

Neneng: Ako’y nangangamba, ako’y natatakot
Na ang huling tanong kaniyang masagot
Itong karagatan isang laro lamang
Ngunit paglalarong birong totohanan
Ayoko na yatang ito ay ituloy
Baka sa sagutan ako’y maparool.

Ingkong Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako.

Neneng: Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito.
Kung tayo’y makasal, ay nanaisin ko
Na magpulot-gata sa bayang Mindoro
Na ating sasakya’y binalsang kawayan
Na bigkis ng lubid na pawang hinabi
Sa buhanging pino’t ikaw ang pipili.

Nardo: Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita
Kaya’t imposible’y pag-aariin pa
Lubid na buhangin, aking pipiliin
Kung pababaunan ng aking pagkain
Bawat isang linggong kakailanganin
Sa ‘sang dahong ipil iyong babalutin.

Neneng: ‘Di ba’t ang hiling sa akin nanggaling
Bakit ngayo’y ako ang pasusulitin?

Nardo: ‘Pagkat paniwalang ‘di ka sinungaling

Neneng: Ano ang batayan ng iyong pasaring?

Nardo: Salamat kung gayon, mutya ko at giliw
Ikaw ay may wikang tapat at matining
Nang iyong sabihin tayo’y kakasalin
Inakalang tapat ikaw sa paggiliw
Kaya’t sa problemang aking
Kahati ka sa tuwa’t sa ligaya gayo’y din
Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin
Kung sa hirap nito’y kasalo ang giliw.

Neneng: Ayoko’t ‘di tama! ‘Di pala kasal,
Ni walang sintahan ay mag-aasawa na.

Nardo: ‘Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta!

Neneng: Ay sayang! Sayang na pag-ibig
Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig
Kung ikaw rin lang siyang sisisid
Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig.

Tandang Terong: Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko.
Ako ang hahatol. Tama si Nardo.
Ang karagata’y simula lang ng kuwento
Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik
At doon mo ihibik ang iyong pag-ibig.

Pepito: (Iiling-iling at magkikibit ng balikat.)

Mga Tao: Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay!
Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino!
(Palakpakan)

W A K A S
Halaw sa Panitikang Pilipino nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C

]]>
https://thephilippineliterature.com/karagatan-inang-wika/feed/ 0
Bahagi (excerpt) ng Si Manuel L. Quezon sa Harap ng Kaaway ni P.S. Vergara https://thephilippineliterature.com/bahagi-excerpt-ng-si-manuel-l-quezon-sa-harap-ng-kaaway-ni-p-s-vergara/ https://thephilippineliterature.com/bahagi-excerpt-ng-si-manuel-l-quezon-sa-harap-ng-kaaway-ni-p-s-vergara/#respond Sun, 23 Jun 2013 12:25:51 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=953 Ang kakaba-kabang dibdib ni Mang Ibiong ay napanatag nang kaunti. Nang makakain si Mang Ibiong, siya ay kinausap ng Presidente. “ Mang Ibiong, ano po ba ang aming pagkakasala sa inyo at kami’y ayaw ninyong bigyan ng pagkakataong makapagpulong sa pook ng Felix Huertas?”
“Ako po ay isang mahirap na tao, Ginoong Quezon. Lahat po ng aking pagsisikap ay aking ginawa upang mahango ko ang aking pamilya sa pagdaralita.Ako’y lumapit sa pamahalaan. Halos magpalimos po ako upang makapaghanapbuhay.

Ang lahat po ng aking pagsisikap ay nawalan ng halaga. Palagay ko po ay walang mangyayari sa aming pamumuhay kung ang pangkasalukuyang partido ay mamamayani,” ang paliwanag ni Mang Ibiong.
“ Ganoon ba? Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo. Ngunit sisikapin kong ikaw ay matulungan. Hintayin mo ang aking sulat kung ikaw ay mabibigyan ng hanapbuhay.”

Umalis na si Mang Ibiong. Dinili-dili niya ang pagtanggap sa kanya ng Presidente ng Senado. Siya’y isa lamang hamak, ngunit siya’y tinanggap na parang isang mahal na tao.Ang inaalala niya’y baka ang pangakong hanapbuhay

ay mauwi lamang sa pangako. Kung panahon ng kampanya ang mga pulitiko ay sadyang masarap mangako.

Hindi pa nakababangon sa kanyang tulugan, si Mang Ibiong ay ginising na ng isang” tao po “. Nagbalikwas siya upang siyasatin kung sino ang napaka-agang panauhin. Sina Mang Basio at Mang Justo pala ay maagang inutusan ng Presidente upang ipagbigay- alam kay Mang Ibiong na maaari na siyang mag-simula sa isang pagawaan sa umaga ring iyon. Napamangha si Mang Ibiong. Hindi niya sukat akalaing ganoon kaagap kung mangako ang Presidente ng Senado.

]]>
https://thephilippineliterature.com/bahagi-excerpt-ng-si-manuel-l-quezon-sa-harap-ng-kaaway-ni-p-s-vergara/feed/ 0
20th Iligan National Writers Workshop – Call for Manuscripts https://thephilippineliterature.com/20th-iligan-national-writers-workshop-call-for-manuscripts/ https://thephilippineliterature.com/20th-iligan-national-writers-workshop-call-for-manuscripts/#respond Mon, 04 Mar 2013 16:19:02 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=924 CALL for Manuscripts

20th Iligan National Writers Workshop
May 20-24, 2013

The MSU-Iligan Institute of Technology and the Mindanao Creative Writers Group are accepting manuscripts to the 20th Iligan National Writers Workshop (INWW) to be held on May 20-24, 2013 in Iligan City.

The INWW introduces a new format this year. There are 18 slots available for writers who have attended regional writers workshops and whose works are unpublished. Six (6) INWW alumni from across the regions are welcome to send their works in progress along with a brief paper on their creative process.

Applicants may submit five (5) poems; one, one-act play; one short fiction, and an excerpt of a novel in progress in any of these languages: Filipino, English, Cebuano, Waray, Hiligaynon, Kinaray-a, Akyanon, Chabacano, Maranao or Higaunon.

Except for works in Filipino and in English, please provide translations of your works in either Filipino or in English. Those submitting excerpts of novels should provide a one-page summary of the novel.

Application forms can be downloaded here20th-INWW-application-rev or call Sittie Pasandalan (063) 2233806 or Pat Cruz at (063) 2232343.

Keynote Speaker this year is Dr. Jose Butch Dalisay, Director of the UP Institute of Creative Writing. Deadline for entries is on March 30, 2013.

The INWW is funded by the MSU-IIT and the National Commission for Culture and Arts (NCCA).

]]>
https://thephilippineliterature.com/20th-iligan-national-writers-workshop-call-for-manuscripts/feed/ 0
Batas Tenante ng Pilipinas https://thephilippineliterature.com/batas-tenante-ng-pilipinas/ https://thephilippineliterature.com/batas-tenante-ng-pilipinas/#respond Wed, 09 Jan 2013 11:51:42 +0000 https://thephilippineliterature.com/?p=918 Ang Gabay sa mga Karapatan ng Tenante

Ang Batas ukol sa mga Tirahang Paupahan
Ang Residential Tenancies Act (RTA) o Batas ukol sa mga Tirahang Paupahan ay isang batas na nagtatakda ng relasyon sa pagitan ng nakararaming nagmamay-ari ng paupahan at mga nagungupahan. Sa Ontario, ang Landlord and Tenant Board(LTB) o Lupon ng Nagpapaupa at Nangungupahan ay ang ahensiyang nag reresolba ng mga
pagtatalo ng nagpapaupa at nagungupahan.

Sino ang sinasaklawan ng RTA?
Sinoman na nangungupahan ay saklaw ng RTA, kapag hindi sila nakaparte sa kusina at banyo ng may-ari ng tirahan. Saklaw din ng RTA ang mga tao sa nonprofit( walang tubo) o publikong pabahay.

Hindi saklaw ng RTA ang :
o Mga residente ng hospital or asilo(alagaan ng matatanda)
o Mga taong nasa kulungan
o Mga taong nakatira sa silungang pang emergensi
o Mga taong nakatira sa Tirahang Pangestudyante o iba pang institusiyonal na
pacilidad

Click the link below to download a complete and free printable pdf copy of this law.
batas tenante

]]>
https://thephilippineliterature.com/batas-tenante-ng-pilipinas/feed/ 0