Gabay ng Guro para sa Ikaapat na Markahan
Teachers Guide for Fourth Grading week 31 and 32
I. Mga Kagamitan
Unang Araw
a. Tsart ng awit na ”Hari ng Tondo” ni Gloc-9
b. CD/mp3 player
c. Papel
d. Panulat
e. Mga lumang magasin
Ikalawang Araw
b. Tsart ng ”Hari ng Tondo” ni Gloc-9
Ikatlong Araw
a. Tsart ng awit na ”Upuan” ni Gloc-9
b. CD/mp3 player
II. Pamamaraan
Unang Araw
a. Panimulang Pagtaya/Pagganyak/Introduksiyon (15 minuto)
1. Iparinig sa mga mag-aaral ang awit na “Hari ng Tondo” ni Gloc-9.
2. Maaaring muling ipaawit ito sa mga mag-aaral.
3. Bilang panimula, gawing gabay na tanong ang sumusunod:
a. Tungkol saan ang awit?
b. Sino ang posibleng nagsasalita sa awit?
c. Ilarawan ang mga pangyayari o sitwasyon sa awit.
d. May mga pangyayari ba sa kasalukuyan na ipinakita o binanggit din sa akda?
e. Sa iyong palagay, sino ang tinutukoy na “Hari ng Tondo?” Ipaliwanag.
4. Iproseso ang mga sagot ng mag-aaral at ipakilala ang awit.
5. Maaaring bigyan din sila ng kaalaman tungkol sa gumawa ng awit na si Gloc-9.
6. Makadaragdag din ng kaalaman kung tutukuyin ang mga naging pagkilala, karanasan, at
panahong nangingibabaw ang karera ng manunulat.
b. Presentasyon (25 minuto)
1. Mula sa mga naibahaging kaalaman, himayin ang mensahe ng awit sa pamamagitan ng
graphic organizer sa kabilang pahina:
2. Tandaan, hindi maihihiwalay ang isang bahagi mula sa kabuuang bahagi ng awit kung
pag-uusapan ang diwa at mensahe nito.
3. Matapos pasagutan sa bawat mag-aaral ang pagsasanay, hayaang ibahagi nila ito sa klase
at ibuod ang nilalaman at mensahe ng awit.
c. Pagpapayaman (20 minuto)
Bilang pagpapalawak at paghahanda sa susunod na sesyon, ipagpares-pares ang mga
mag-aaral. Pipili ang bawat pares ng dalawang katotohanan/realidad sa buhay na
nakapaloob sa awit.
Maaaring gawing gabay ang dayagram ng mga sitwasyon sa ibaba:
Ikalawang Araw
a. Pagpapayaman (15 minuto)
1. Sabihin sa mga mag-aaral na ilabas at ihanda ang kanilang mga collage.
2. Tumawag ng ilang mag-aaral na magkapareha at hayaang ibahagi nila ang kanilang ginawa.
3. Pansamantalang isara ang gawain sa pamamagitan ng pagbubuod sa mga nagawang
collage tungkol sa mensahe at mga sitwasyong nakapaloob sa awit.
b. Pagpapalawig (25 minuto)
1. Muling ipaskil sa pisara ang mga sitwasyong nakapaloob sa awit.
2. Ito ang magsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa susunod na pagsasanay.
3. Magpapalaro ang guro ng charades upang mahasa sa mga mag-aaral ang kasanayan sa
di-pasalitang palatandaang naghuhudyat ng impormasyon o kaalamang may kinalaman sa
akda.
4. Narito ang maaaring palabunutan ng mga salita, tao, o pangyayaring may kaugnayan sa
binasang awit:
a. politiko
b. magnanakaw
c. kriminal
d. Maynila
e. pagkakaisa
f. kapayapaan
g. Filipinas
h. at iba pang mahahalagang salitang idadagdag ng guro
c. Sintesis (20 minuto)
1. Bilang pangwakas, itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kahalagahan ng mga
di-pasalitang palatandaan sa komunikasyon.
2. Matapos ang paglilinaw at pagwawasto ng mga kasagutan, ang guro naman ang
magbabahagi ng kaalaman sa kahalagahan ng di-pasalitang komunikasyon.
3. Bilang paghahanda sa susunod na araw, iparinig ang isa pang awitin ni Gloc-9, ang
“Upuan.” Maaaring ipaawit ito sa mga mag-aaral.
Ikatlong Araw
a. Pagpapalawig (20 minuto)
1. Iparinig muli sa mga mag-aaral ang dalawang awitin ni Gloc-9.
2. Ipasuri sa mga mag-aaral ang dalawang awitin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay
na tanong:
a. Tungkol saan ang awit na “Upuan?”
b. Sino ang posibleng nagsasalita sa awit na “Upuan?”
c. Ano-ano ang pagkakatulad ng dalawang awit?
d. Ano-ano ang pagkakaiba ng dalawang awit?
e. Nagustuhan mo ba ang awit? Bakit?
f. Sa iyong palagay, ano ang nagsilbing inspirasyon ng gumawa ng awit sa pagpili niya ng
ganitong mga paksa?
“Upuan” “Hari ng
Tondo”b. Pangwakas na Pagtataya (40 minuto)
1. Bilang pangwakas na pagtataya at bilang takdang-aralin, papiliin ang mga mag-aaral sa
dalawang awit na tinalakay at gumawa ng sariling suring-papel. Bilang gabay, susundin ng
mga mag-aaral ang sumusunod na balangkas:
a. pagsusuri sa pamagat
b. pagkilala sa awtor
c. pagsusuri sa tagpuan (kung binanggit)
d. paglalarawan ng mga tauhan (kung binanggit)
e. pagsusuri sa paksa
f. pagsulat ng personal na reaksiyon/pagsusuri
2. Gawing batayan ng rubrik ang rubrik ng pagsulat na matatagpuan sa apendiks.
Ikaapat na Araw
a. Pangwakas na Pagtataya (60 minuto)
Mamili sa mga mungkahing gawain para sa Ikaapat na Araw