Ibong Adarna


Ibong_Adarna

An Excerpt from the original Filipino text of the Ibong Adarna corrido
By Anonymous

CORRIDO AT BUHAY NA PINAGDAANAN NANG TATLONG PRINCIPENG MAGCACAPATID NA ANAC NANG HARING FERNANDO AT NANG REINA VALERIANA SA CAHARIANG BERBANIA

Virgeng Ináng mariquit
Emperadora sa Langit,
tulungan po yaring isip
matutong macapagsulit.
Sa aua mo po’t, talaga
Vírgeng ualang macapára,
acong hamac na oveja
hulugan nang iyong gracia.
Dila co’i iyóng talasan
pauiin ang cagarilán,
at nang mangyaring maturan
ang munting ipagsasaysay.
At sa tanang nangarito
nalilimping auditorio,
sumandaling dinguin ninyo
ang sasabihing corrido.
Na ang sabi sa historia
nang panahong una-una,
sa mundo’i nabubuhay pa
yaong daquilang monarca.
At ang caniyang esposa
yaong mariquit, na reina,
ang pangala’t bansag niya
ay si doña Valeriana.

Itong hari cong tinuran
si don Fernando ang ngalan
ang caniyang tinubuan
ang Berbaniang caharian.
Ang haring sinabi co na
ay may tatlóng anác sila,
tuturan co’t ibabadyá
nang inyo ngang maquilala.
Si don Pedro ang panganay
na anác nang haring mahal,
at ang icalaua naman
si don Diego ang pangalan.
Ang icatlo’i, si don Juan
ito’i siyang bunsong tunay,
parang Arao na sumilang
sa Berbaniang caharian.
Ito’i, lalong mahal baga
sa capatid na dalaua,
salang malingat sa mata
nang caniyang haring amá.
Para-parang nag-aaral
ang manga anác na mahal,
malaqui ang catouaan
nang hari nilang magulang.
Ay ano’i, nang matuto na
yaong tatlóng anác niya,
ay tinauag capagdaca
nitong daquilang monarca.
Lumapit na capagcuan
ang tatlóng príncipeng mahal,
cordero’i, siyang cabagay
nag-aantay pag-utusan.
Anáng hari ay ganitó
caya co tinauag cayó,
dito sa itatanong co
ay sabihin ang totoó.
Linoob nang Dios Amá
na cayo’i, nangatuto na,
mili cayó sa dalaua
magpare ó magcorona.
Ang sagót nila at saysay
sa hari nilang magulang,
capua ibig magtangan
nang corona’t, cetrong mahal.
Nang itó ay maringig na
nang haring canilang amá,
pinaturuan na sila
na humauac nang espada.
Sa Dios na calooban
sa canilang pag-aaral,
di nalao’i, natutuhan
ang sa armas ay pagtangan.
Ito’i, lisanin co muna
yaong pagcatuto nila,
at ang aquing ipagbadyá
itong daquilang monarca.
Nang isang gabing tahimic
itong hari’i, na-iidlip,
capagdaca’i, nanaguinip
sa hihigán niyang banig.
At ang bungang panaguimpan
nitong hari cong tinuran,
ang anác na si don Juan
pinag lilo at pinatay.
Ang dalauang tampalasang
sa caniya ay pumatáy,
inihulog at iniuan
sa balón na calaliman.
Sa pananaguinip bagá
nitong mahal na monarca,
nagbangon capagcaraca
sa hihigán niyang cama.
At hindi nanga na-idlip
sa malaqui niyang hapis,
sa hirap na masasapit
niyong bunsong ini-ibig.
Ito ang niyang dahilán
nang sa bungang panaguimpan
tuloy ipinagcaramdam
at sa banig ay naratay.
Nagpatauag nanga rito
marurunong na médico,
dili masabi cun anó
ang saquit nang haring itó.
Sa gayong carami bagá
medicong tinauag nila,
ay ualang macapagbadyá
sa saquít na dinadalá.
Ay mayroon namang isá
na bagong cararating pa,
siyang nagpahayag bagá
saquit nang bunying alteza.

*Although Ibong Adarna was not written by a Filipino, it is still considered a part of Philippine Literature because of its popularity in the Philippines when it was first translated into Filipino during the Spanish Occupation

To read the complete corrido, visit http://www.gutenberg.org/files/16157/16157-h/16157-h.htm