Kabayanihan
Tula ni
Lope K. Santos
Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod
na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya, minsang kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.
Natatalastas mong sa iyong pananim
iba ang aani’t iba ang kakain;
datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil.
Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…
pinupuhunan mo at iniaalay,
kapagka ibig mong sa kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping bayan.
Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,
sa turo mo’y naging mulat ang mulala,
tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.
Tikis na nga lamang na ang mga tao’y
Napagwalang-turing sa mga tulong mo;
Ang kadalasan pang iganti sa iyo
Ay ang pagkalimot, kundi paglilo.
Lope K. Santos, Father of Tagalog Grammar
Lope K. Santos (1879 – 1963) is known as the “Father of the Philippine National Language and Grammar.”
His most famous works are
Balarila ng Wikang Pambansa (Grammar of the National Language)
the novel Banaag at Sikat (1906), the “Bible of working-class Filipinos
He wrote the Tagalog poem Ang Matampuhin (The Sulker).
In 1952, Lope K. Santos founded the group TANIW, which stands for Taliba ng Inang Wika (Sentinel of the Mother Language).
TRIVIA ABOUT LOPE K. SANTOS
His full name is commonly pronounced as Lope “Ka” Santos.
Governor of the province of Rizal from 1910 to 1913.
Governor of Nueva Vizcaya from 1918 to 1920.
Senator during the Fifth Philippine Legislature.
Member of the Nacionalista Party.
Married Simeona Salazar in 1900.
They had five children.
His last request on his deathbed: make Tagalog the Philippine national language