Malalalim na Kataga ni Pilosopo Bob Ong


bob ong quote

“Minsan, kailangang ituro ng mundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.”

“Higit sa pakikinig kung ano ang sinasabi, unawain mo kung ano ang ipinapahayag”

“Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ng maraming tao para makabuo ng mundo e. Minsan, isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.”

“Pero kung lahat na lang sasabihan mo ng ‘corny’ kasi sosyal ka — iba nga panlasa mo, mamamatay ka namang malungkot.”

“Sa kolehiyo, maraming impluwensya ang makikita. Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.”

“May mga librong magkakasundo ang sinasabi, at meron din namang mga nagpapatayan ng opinyon. May libro para sa kahit anong edad, kasarian, lahi, relihiyon, edukasyon, at katayuan sa buhay. May mahal at mura, malaki at maliit, makapal at manipis, pangit at maganda, mabango at mabaho, may kwenta at wala.

“Lahat meron. Sari-sari. Iba-iba. Tulad din ng mga tao. Utak ng tao. Dahil ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.”

“Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.”

bob ong ab