Mga Kakaibang Nilalang sa Filipinas


Diwata o Engkanto – nilalang na nagbabantay sa kalikasan at karaniwang may katawan ng
tao. Sinasabing nang-aakit sila ng mga binata at dalaga upang gawin nilang asawa.

Sirena at Siyokoy – mga nilalang na may katawan ng tao at buntot ng isda. Nakatira sila sa
ilalim ng karagatan at nang-aakit sila ng mga mangingisda.

Tiyanak o Impakto – sanggol na hindi nabinyagan at kumakain ng laman ng tao.

Nagpapanggap silang inabandonang sanggol na umiiyak.

Aswang – nilalang na nag-iibang anyo sa gabi at nag-aanyong tao sa umaga. Kumakain sila
ng tao at maaaring mag-anyong hayop.

Manananggal – nilalang na napuputol ang katawan at nagkakaroon ng pakpak. Mula sa
bubong, hinihigop ng kanilang mahabang dila ang mga sanggol ng buntis.

Kapre – higanteng nilalang na mahilig manabako at nakatira sa malalaking puno. Mahilig
itong maglaro sa mga bata.

Tikbalang – kalahating tao at kabayo. Mahilig itong maghanap ng mga dalaga upang gawing
asawa.

Duwende at Nuno sa Punso – mga maliliit na nilalang na nagbibigay ng suwerte o malas sa
tao. Nakatira sa isang nuno o tumbok ng lupa ang nuno sa punso.

Mambabarang at Mangkukulam – mga nilalang na karaniwang matatandang babae na
nagpapahirap sa isang tao. Ang mambabarang ay nagpapalabas ng mga insekto sa katawan
ng isang tao. Ang mangkukulam naman ay sinasaktan o binabago ang anyo ng isang tao.
[Pinagkunan: Philippine Myths and Legends ni Johnny C. Young]