MGA PAGDIRIWANG AT KAUGALIANG KATOLIKO (IMPLUWENSYA NG MGA KASTILA)
1. Pastores: Tuwing Adbento, karaniwan ang pagkanta at pagpunta sa bahay-bahay. Pastores ang tawag dito sa Bicol at daigon sa Bisayas.
2. Panunuluyan, pananawagan, o pananapatan ang tawag sa isang pagsasadula ng paglalakbay nina Maria at Hosep, kung saan ang usapan ay kinakanta.
3. Pabasa at Senakulo Kapag ginugunita ang Mahal na Araw, ang pabasa at senakulo na pagsasadula ng pasyon ni Kristo ang nakagawian. Tuwing buwan ng Mayo, ang tema ng kantahan ay patungkol sa Birheng Maria. Ito ay ang pagsasadula ng mga pagpapakasakit ni Kristo Hango sa Bibliya na ginaganap sa lansangan o bakuran ng simbahan
4. Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan. Ang DALIT ay isang tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay.
5. Ang Panuluyan ay isang Pamaskong pagtatanghal kung saan isinasadula ang unang Pasko na nangyari pa sa Bethlehem. Ang mag-asawang Jose at Maria ay naghanap ng matutuluyan upang isilang ang Mesiyas na si Hesus. Karaniwan sa Panuluyan ay may tatlong bahay na kakatukan ng pinto ang mag-asawa. Sa mga may-bahay ay walang makakapagpatuloy maliban sa isang maybay na magpapagamit ng sabsaban. Karaniwang isinasagawa ang dulang ito sa bisperas ng gabi ng Pasko o sa Christmas Eve.
6. PASYON
Ang pasyon (Kastila: pasiĆ³n o “paghihirap”) ay isang naratibong tula ng Pilipinas, na nagsasaad ng buhay ni Hesukristo, mula kapanganakan, pagkapako niya sa krus, hanggang sa muling pagkabuhay. Ito ay may saknong ng limang linya sa bawat linya ng pagkakaroon ng walong pantig. Ang anyong na ito ng salaysay ng pasyon ay popular sa Pilipinas, lalo na sa panahon ng Mahal na Araw o Semana Santa.
7. Santakrusan
Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang prusisyon ito na nagpapakita at isinasadula ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus. Maraming naggagandahang kababaihan sa prusisyong ito na kumakatawan kay Birheng Maria at iba pang mga babaing tauhan sa Bibliya at mga akadang kaugnay nito.