Mga Salawikain


Ang lumalakad ng matulin
kung matinik ay malalim

And di-marunong mag-ipon
walang hinayang magtapon

Ang kawayan kung tumubo
langit na matayog ang itinuturo;
Ngunit kung masunod na ang anyo,
Sa lupa rin ang yuko

Sinimulang gawain ay tapusin mo
bago gumawa ng panibago

Ubos-ubos biyaya
bukas ay nakatunganga

Daig ng taong maagap
ang taong masipag

Ang totoong paanyaya
may kasamang hila

Walang masamang pluma
sa taong mabuting lumetra

Ang pagsasabi nang tapat
ay pagsasama nang maluwag

Ang bayaning nasusugatan
nag-iibayo ang tapang

Sa may tunay na hiya
ang salita ay panunumpa

Madali ang maging tao
ang mahirap ay ang magpakatao

Maaring pigilin ang baha
ngunit hindi ang dila

Kapag may isinuksok
may madudukot

Ang taong di nasisiyahan
mailap ang kaligayahan

Ang bahay mo man ay bato kung ang nakatira ay kuwago
Mabuti pa ang isang kubo na ang nakatira ay tao

Ang sakit ng kalingkingan
ay dama ng buong katawan

Ang batang magalang
ay dangal ng magulang

Anak na di paluhain
magulang ang paiiyakin

Hindi man magmana ng salapi
magmana man lang ng mabuting ugali

Kung sino ang nangangako
ay siyang napapako

Ang taong walang kibo
nasa loob ang kulo

Walang sumisira sa bakal
kundi ang sariling kalawang

Ang kagandahang asal
ay kaban ng yaman

Kapag iniamba, kailangang itaga
kapag itinutok, kailangang iputok

Magbiro ka na sa lasing
wag lang sa bagong gising

Lahat ng iyong kakainin
sa sariling pawis mo manggagaling

Ang lihim ay hindi na lihim
kapag may dalawa o higit nakakaalam

Ang walang pagod magtipon
walang hinayang magtapon

Marami ang matapang sa bilang
ngunit ang buong-buo ay iilan

Ang anak kayang tiisin ang magulang
ngunit ang magulang ay hindi kayang tiisin ang anak

Kapag may isinuksok
may madudukot

Paghaba-haba man saw ng prusisyon
sa simbahan din ang tuloy

Ang taong sa mabuti nanggaling
sumama man ay sadyang bubuti pa rin

Walang matimtimang birhen
sa matiyagang manalangin

Kapag nagbukas ang kaban
natutukso kahit ang banal

Ang hiram na wika
ay saksi sa hiram na kalayaan

Ang nagtanim ng hangin
bagyo ang aanihin

Ikinatatalo sa alinmang digmaan
ay ang guni-guning takot sa kalaban

Ang tunay na kaibigan
nasusubok sa kagipitan

Sa mabait na bata,
marami ang natutuwa.

Lumilipas ang kagandahan,
ngunit hindi ang kabaitan.

Kung ibig ng karunungan,
habang bata ay mag-aral;
Kung tumanda, mag-aral man,
mahirap nang makaalam.

Mabigat man ang dalahin,
pag naatang susunungin.

Mabuti pa ang nag-iisa
Kaysa may masamang kasama

Ang anumang agwat ay di mararating,
kung titingnan lamang at di lalakarin.