Mga Tula para sa Sabayang Pagbigkas


Ayon kay Abad (1996), ang Sabayang Pagbigkas ay isang kawili-wiling pamaraan ng pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan ng pagsanib-sanib ng mga tinig ng koro ayon sa wasto nilang tunog, puwersa at lakas.

Katangian ng isang Mahusay na Piyesa

1. May sapat na katanyagan; may pagpapahalaga at kamalayang panlipunan at kasaysayan.
2. Nagtuturo ng kahalagahang moral at nagdudulot ng inspirasyon.
3. Nagbibigay ng pag-asa sa buhay, ng kabutihan at kamaharlikahan ng pangkatauhan ng wika at kabanalan. Iwasan ang piyesang nagpapakita ng kabangisan, ng kahayupan, ng pagmamalupit at ng di-makatao.
4. Lumilinang sa paniniwala ng kagandahan ng ating bayan na ang ating uri ng pamumuhay ay may tatak ng pagkamaginoo at katapangan, na tayong mga Pilipino ay may mataas at matatag na adhikaing bumuo at tumuklas ng kanyang sariling patutunguhang bukas.

Mga Mungkahing Tula na Maaring Gamitin sa Sabayang Pagbigkas: