Pumapasok na nga noon sa lawa ang bapor at tunay na napakaringal ang tanawing
tumambad sa kanilang paningin. Humanga ang lahat. Sa harap, nakalatag ang kaakitakit
na lawa, naliligid ng luntiang pampangin at asul na bundok, kahawig ng isang
napakalaking salamin na may kuwadrong esmeralda at sapiro upang masalaminan ng
langit.
Sa kanan, nakalatag ang mahabang pampangin, lumilikha ng mga look na may
kaaya-ayang kurba. At doon sa malayo, may kalabuan ang kawit ng Sugnay. Sa dakong
likuran ng harap, maharlikang nakatindig ang Makiling, mahirap limutin, napuputungan
ng maninipis na ulap. At sa kaliwa, ang pulo ng Talim, ang Susong Dalaga na may
malalambot na kunday at nagpapatunay sa pangalan nito. Read the rest of this entry »