BITUING MARIKIT

by Nicanor Abelardo

Bituing marikit sa gabi ng buhay
Ang bawat kislap mo’y ligaya ang taglay
Yaring aking palad iyong patnubayan
At kahit na sinag, ako’y bahaginan Read the rest of this entry »

SA UGOY NG DUYAN

Music by Lucio San Pedro
Lyrics by Levi Celerio

Sana’y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Read the rest of this entry »

Ang Pipit

By Levi Celerio and Lucio San Pedro

May pumukol sa Pipit sa sanga ng ng isang kahoy
At nagahip ng bato ang pakpak ng munting ibon
Dahil sa sakit, di nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog ngunit parang taong bumigtas

Mamang kay lupit, ang puso mo’y di na nahabag
Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak
May isang pipit na iiyak, may isang pipit na iiyak

Sinisinta Kita


Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino

Kung ang sinta’y ulilahin
sino pa kayang tatawagin
Kung hindi si Neneng kong giliw
Naku kay layo sa piling Read the rest of this entry »

Leron-leron Sinta

Leron-leron sinta
Umakyat sa papaya
Dala-dala’y buslo
Sisidlan ng bunga.

Pagdating sa dulo
Nabali ang sanga.
Kapus-kapalaran;
Humanap ng iba!

Ako’y Maliit na Pitsel

Ako ay maliit na pitsel.
Heto ang tatangnan
Heto ang bibig.
Kung ako’y puno ng inumin,
Isalin at ubusin.

(the Filipino version of I’m a Little Teapot)

Mama, mamang namamangka

Mama, mamang namamangka
Ipagsakay yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng kutsinta!

Ale, aleng namamayong
Ipagsukob yaring sanggol,
Pagdating sa Malabon,
Ipagpalit sa bagoong!

Ako’y May Alaga

Ako’y may alaga
Asong mataba
Buntot ay mahaba
Makinis ang mukha

Mahal niya ako
Mahal ko rin siya
Kaming dalawa
Laging magkasama.

Bahay Kubo

Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong,
Sigarilyas at mani,
Sitaw, bataw, patani,
Kundol, patola,
Upo’t kalabasa
Saka mayroon pa
Labanos, mustasa,
Sibuyas, kamatis,
Bawang at luya
Sa paligid-ligid
May puno ng linga

Sitsiritsit


Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino

Sitsiritsit, alibangbang,
salaginto, salagubang,
ang babae sa lansangan,
kung gumiri’y parang tandang.

Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.

Ale, ale, namamayong
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.