Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

ni Andress Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at magkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Pagpupuring lubos ang palaging na ingat,
Umawit, tumula, kumata’t at sumulat,
Kalakhan din niya’y isinisiwalat. Read the rest of this entry »

Sa Aking Mga Kababata

ni José Rizal

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan. Read the rest of this entry »

Sitsiritsit

Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang

Santo Niño sa Pandakan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam
Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata.

Ako Ay May Lobo

Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
Di ko na nakita
Pumutok na pala.

Sayang ang pera kong
Ipinambili/pambili ng lobo
Kung pagkain sana
Nabusog pa ako.

Bahay Kubo

Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong,
Sigarilyas at mani,
Sitaw, bataw, patani,
Kundol, patola,
Upo’t kalabasa
Saka mayroon pa
Labanos, mustasa,
Sibuyas, kamatis,
Bawang at luya
Sa paligid-ligid
May/ay puno ng linga

Riddle (Bugtong)