Isang Dipang Langit

ni Amado V. Hernandez
(Bartolina ng Muntinlupa – Abril 22, 1952)

Isang Dipang Langit

Isang Dipang Langit


Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay. Read the rest of this entry »

Walang Sugat ni Severino Reyes

WALANG SUGAT
(Ni Severino Reyes)

Walang Sugat-39-Mabuhay-LSalcedo-sf

Walang Sugat (Tanghalang Ateneo)
UNANG BAHAGI

I TAGPO
(Tanaggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)

Koro : Ang karayom kung iduro
Ang daliri’y natitibo,
Kapag namali ng duro
Burda nama’y lumiliko Read the rest of this entry »

Pulangi: Ang Ilog na Humubog sa Maraming Henerasyon

Pulangi: Ang Ilog na Humubog sa Maraming Henerasyon

Sipi mula sa Regional Profiles: Peoples and Places (Adarna House, 2009)

Hanggang kamakailan lamang ay sa Ilog Pulangi umiinog ang mundo ng mga taga- Gitnang Mindanao. May dalawang pangunahing direksiyon lamang ang Maguindanao: ilod; pababang agos; at laya, pasalungat sa agos.

Itong ilog na tinatawag ring Rio Grande de Mindanao ay tumatawid pababa sa kanlurang bahagi ng Lungsod Cotabato, at pasalungat na sumusuot sa agos–pasilangan, pahilaga, at patimog–sa mga lalawigan ng Maguindanao, Hilagang Cotabato, Sultan Kudarat, Bukidnon, at Agusan. Ang mga lalawigang ito, maliban sa Bukidnon at Agusan, ang bumubuo sa dating binansagang Imperyo ng Lalawigang Cotabato.
Read the rest of this entry »

15 fellows to 21st Iligan workshop; Mindanao Writers & Teachers Summit on May 23-24

The Office of Publication & Information (OPI), the Department of English of the College of Arts & Social Sciences (CASS) funded by the OPI and the National Commission for Culture & Arts (NCCA) released the names of 15 writing fellows during the 21st Iligan National Writers Workshop (INWW) to be held on May 26-31, 2014.

The OPI and the Department of English will likewise hold the Second Mindanao Writers & Teachers Summit on May 23-24, 2014 at the CASSalida Theatre (see separate news release).

The 15 Iligan workshop fellows, the literary genres, geographic area and schools are: LUZON- Poetry (English): Lawdenmarc Y. Decamora/San Fernando, Pampanga/De La Salle University; (Filipino): Rommel V. Roxas/Manila/University of Santo Tomas; (Bicol): Allan Popa/Quezon City/UP Diliman; Short Story (Filipino): Seymour B. Sanchez/Pasay City/UP Diliman; and Creative Non-Fiction (English): Nastasia Mikhaila L. Tysmans/ Quezon City/Ateneo de Manila University.

VISAYAS- Short Story (Sebuano): The Gumercindo Rafanan Writing Fellow -Manuel M. Avenido, Jr./Cebu City/ Cebu Normal University; (Waray) Boy Abunda Writing Fellow -Jeremy Alexandre O. Evardone/Palapag, Northern Samar/University of Eastern Philippines; (Hiligaynon) Early Sol A. Gadong/Iloilo City/ UP Visayas in Iloilo; Excerpt of Novel (English) Le-an Lai Lacaba/Tacloban City/UP College Tacloban; and, POETRY (Waray) Ela Mae G. Salazar/Basey, Samar/ Leyte Normal University.

MINDANAO- Short Story (English)- Maria Karlene Shawn I. Cabaraban/Cagayan de Oro City/ Xavier University; Edmond Julian Y. De La Cerna/Davao City/ UP Mindanao; (Filipino) Karen Y. Ramos/Iligan City/MSU-IIT; and, POETRY (English) Amado C. Guinto, Jr./ Iligan City/MSU-IIT.

BUOD NG FLORANTE AT LAURA

Kay Celia
Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa gunita, si Celia lamang. Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayo’y di mapigilan ng makata ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R.(Maria Asuncion Rivera).
Sa Babasa Nito
Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang akda.

ANG SIMULA NG KWENTO
Sa Mapanglaw na Gubat
Sa simula ng awit ay makikita ang isang binatang nakagapos sa isang puno ng higera sa gitna ng malawak na gubat sa labas ng kahariang Albanya. Ang binatang ito ay si Florante, anak ng mag-asawang Duke Briseo at Prinsesa Floresca na kapwa taga-Albanya. Maraming hayop sa gubat na iyon, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat, nakatali ang paa, kamay at leeg ng isang gwapong binata, na may makinis na balat at kulay gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.
Ang Reynong Albanya Read the rest of this entry »

UP Department of Filipino tumatanggap na ng aplikasyon para sa Malikhaing Pagsulat.

Application Deadline: Feb. 28, 2014

Tumatanggap na ang UP Department of Filipino ng aplikasyon para sa SERTIPIKO NG MALIKHAING PAGSULAT SA FILIPINO (SMPF) para sa Akademikong Taon 2014-2015.

MGA KAHINGIAN SA PAGPASOK SA SMPF:

1. Nagtapos ng High School o mga bukas sa pagpapatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo mula sa pagiging fieshman sa kolehiyo

2. Pagpasa sa qualifying test at interview na ibibigay ng Deparlamento sa takdang panahon

3. Nasagutang application form

4. Certified photocopy ng High School Report Card (Form 137), may GWA na 85 (lst-3rd year High School at lst-3rd quarter ng 4th year) Read the rest of this entry »

DAPAT ba o HINDI DAPAT isabay ang panliligaw sa pag-aaral?

BALAGTASAN

LAKANDIWA

Isang mapagpalang araw ang malugod na handog ko
Sa lahat ng Pilipinong nagkalat sa buong mundo
Mayrong isang email message na natanggap ang lingkod nyo
Apurahang naghahanap ng sagot sa tanong na ‘to:

DAPAT BA O HINDI DAPAT PAGSABAYIN ANG DALAWA:
ANG MAG-ARAL AT MANLIGAW? Dapat o Hindi Dapat ba?
Sa nais na makisali, ang tanghalan ay bukas na
Ipahayag ang katwiran nang marinig ng balana.

DAPAT Read the rest of this entry »

My Favorite Book 2013 contest rules

The Philippine Daily Star and National Bookstore

http://www.philstar.com/sunday-life/2013/06/23/956973/my-favorite-book-2013-contest-rules

Biopoem

Ang biopoem ay isang porma ng tula na naglalarawan at nagpapakilala sa isang tao sa loob ng labing-isang (11) linya lamang.
Pangalan

4 na pang-uri na naglalarawan sa tao
Anak nina (pangalan ng kanyang mga magulang)
Nagmamahal sa/kay/kina (mga bagay/tao na mahalaga o kinahihiligan niya)
Tatlong damdaming kanyang nararamdaman
Nangangailanag ng (tatlong bagay na kailangan niya)
Nagbibigay ng (tatlong bagay na binibigay niya sa iba)
Takot sa (tatlong bagay na kinatatakutan niya)
Nais niyang makitang/ makita ang (isang bagay na nais niyang makita o masaksihan)
Mamamayan ng (lugar na parati niyang inuuwian o tinatambayan)
Apilyedo Read the rest of this entry »

KAY MARIANG MAKILING

Edgar Calabia Samar

Nagpaalam noon ang Nanay.
Hindi ipinaalam kung saan siya pupunta.
Anong pook ang maaari niyang puntahan
upang di na magbalik?
Anong pook ang maaari niya?
Nagkampo kami ni Tatay sa Makiling.
Inalala ang kuwento ng diwatang
naglaho sa panglaw ng sariling panaghoy.
“Hindi na siya babalik,” sabi ni Tatay.
Pag-uwi, tinanaw ko ang bundok,
at totoo, mas maganda itong tingnan
sa malayo: hindi matitinag, buo.