Ang Alamat ng Kasoy

Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkot na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman. Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkot na lungkot.

kasoy

“Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan.”Naulinigan ngmakapangyarihang Ada ang himutok ng Buto. Read the rest of this entry »

20th Iligan National Writers Workshop – Call for Manuscripts

CALL for Manuscripts

20th Iligan National Writers Workshop
May 20-24, 2013

The MSU-Iligan Institute of Technology and the Mindanao Creative Writers Group are accepting manuscripts to the 20th Iligan National Writers Workshop (INWW) to be held on May 20-24, 2013 in Iligan City.

The INWW introduces a new format this year. There are 18 slots available for writers who have attended regional writers workshops and whose works are unpublished. Six (6) INWW alumni from across the regions are welcome to send their works in progress along with a brief paper on their creative process.
Read the rest of this entry »

Batas Tenante ng Pilipinas

Ang Gabay sa mga Karapatan ng Tenante

Ang Batas ukol sa mga Tirahang Paupahan
Ang Residential Tenancies Act (RTA) o Batas ukol sa mga Tirahang Paupahan ay isang batas na nagtatakda ng relasyon sa pagitan ng nakararaming nagmamay-ari ng paupahan at mga nagungupahan. Sa Ontario, ang Landlord and Tenant Board(LTB) o Lupon ng Nagpapaupa at Nangungupahan ay ang ahensiyang nag reresolba ng mga
pagtatalo ng nagpapaupa at nagungupahan.

Sino ang sinasaklawan ng RTA?
Sinoman na nangungupahan ay saklaw ng RTA, kapag hindi sila nakaparte sa kusina at banyo ng may-ari ng tirahan. Saklaw din ng RTA ang mga tao sa nonprofit( walang tubo) o publikong pabahay.

Hindi saklaw ng RTA ang :
o Mga residente ng hospital or asilo(alagaan ng matatanda)
o Mga taong nasa kulungan
o Mga taong nakatira sa silungang pang emergensi
o Mga taong nakatira sa Tirahang Pangestudyante o iba pang institusiyonal na
pacilidad

Click the link below to download a complete and free printable pdf copy of this law.
batas tenante

Juan, the Student

There was once a poor couple who lived happily in a quiet place. They had one son, named Juan, whom at first they loved very much; but afterwards, either because their extreme poverty made it difficult for them to support him, or because of his wickedness and waywardness, they began to hate him, and made plans to kill him. Read the rest of this entry »

Nang Maging Mendiola Ko Ang Internet Dahil kay Mama

ni Abegail Joy Yuson Lee
(Ikalawang Gantimpala, Carlos Palanca Memorial Awards para sa Kabataan Sanaysay)

Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag-isip. Iyan ang paulit-ulit na dayalogo sa akin ni Mama sa tuwing nalalaman niyang hindi na naman ako nagsalita upang ipagtanggol ang aking sarili. Ako kasi yaong tipo ng taong
hindi nagsasabi ng tunay na nararamdaman at hinaing. Napag-isip-isip kong may punto naman siya doon. Tama naman talaga siya. Ginagamit natin ang ating mga bibig para maisalita kung ano ang ating mga saloobin kaagapay ang utak upang iproseso ang mga napapansin at kapansin-pansing mga bagay-bagay na nangyari sa ating paligid. Read the rest of this entry »

Ibong Adarna sa Lumang Ortograpiya

Lumang ortograpiya

Unang bahagi:

photo from http://noriko-blackrose13.deviantart.com/art/Ibong-Adarna-169177573

Virgeng Ináng mariquit
Emperadora sa Langit,
tulungan po yaring isip
matutong macapagsulit.

Sa aua mo po’t, talaga
Vírgeng ualang macapára,
acong hamac na oveja
hulugan nang iyong gracia.

Dila co’i iyóng talasan
pauiin ang cagarilán,
at nang mangyaring maturan
ang munting ipagsasaysay. Read the rest of this entry »

Elemento ng Dula

Elemento ng Dula

Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula
Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; Read the rest of this entry »

Dula (Filipino)

Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang Read the rest of this entry »

Magkabilaan

Joey Ayala

Ang katotohanan ay may dalawang mukha
Ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba
May puti, may itim, liwanag at dilim
May pumapaibabaw at may sumasailalim.

Ang tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langit
Ang araw ay sa gabi, ang lamig naman sa init
Kapag nawala ang isa, ang isa’y di mababatid
Ang malakas at ang mahina’y magkapatid. Read the rest of this entry »

Pork Empanada

ni Tony Perez

Madalas ka ba sa Katipunan?

Siguro’y nakita mo na ang Frankie’s Steaks and Burgers, sa tabi ng bagong Cravings, malapit sa Lily of the Valley Beauty & Grooming Salon. Kung nakita mo na iyon, nakita mo na rin siguro si Bototoy.

Lunes hanggang Sabado, inaakyat ni Bototoy ang liku-likong landas mula Barangka hanggang service gate sa likod ng Ateneo Grade School, kasama ng tatay niyang maintenance engineer sa paaralan at ng mga kalaro niyang sina Nono, Itoc, at Radny. Karamihan sa mga batang umaakyat doo’y humihimpil sa malawak na covered
court ng College, sa tabi ng Our School, malapit sa Obesrvatory, kung saan sila nagaabang ng magba badminton at tennis na tatawag ng pulot boy. Si Bototoy naman ay hindi humihimpil doon. Lalakarin niya ang malayu-layo pang Gate 2, at doon ay tatawid siya sa Katipunan, upang maupo sa sentadong island sa harap ng Frankie’s Steaks and Burgers. Read the rest of this entry »