KAHIT SAAN

ni José Corazón de Jesús

Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw! Read the rest of this entry »

Ang Alamat Ng Pating

Ang kasabihang parang pating ka kung magpatubo ay batay sa alamat ng pating ng kuwento ng mga taga-Palawan.

Noong unang panahon daw ay may isang mayamang Palawenyo na kilala sa pagiging usurero. Siya si Kablan na lagi nang gusuing patubuan ang lahat ng kapitbahay na nangingisda sa kanilang komunidad. Sa sobrang pagpapatubo sa perang ipinapautang, galit ng galit ang mga mangingisdang hindi makapalag sa kaswapangan ng kanilang kababayan. Sapagkat baon sa hirap ang lahat, napipilitan silang maging sunod-sunuran sa napakatakaw na mangangalakal.

Tanging si Kablan ang may tindahan sa kanilang komunidad. Binabarat niya ang mga paninda sa siyudad. Ipinagbibili niya ang mga ito na may mataas na patong sa mga pobreng mangingisda. Hindi sila maka-angal sa di makatarungang pagpapautang. Read the rest of this entry »

Legend of the Lovebirds English Version

This is the story how two lovers from two warring families fought for their love and right to be together.

When the world was young, in a faraway town, there were two families who were fighting for the right to govern the people. Both families were rich and powerful, which is why nobody would back down in the struggle to claim power over the town. These were the tribes of Datu Dinaganda and Datu Manoo.
Read the rest of this entry »

Alamat ng Munting Loro

Ito ay kuwento ng dalawang magkasintahan na pilit pinaglalayo ng kani-kanilang mga magkaaway na angkan.

Noong bata pa ang mundo, sa isang bayan ay may isang dalawang makangayarihang angkan ang nag-aaway kung sino ang mas karapat-dapat na mamuno sa taong bayan. Parehas na makapangarihan ang bawat pamilya kung kaya’t hindi sila magkasundo. Ito ay ang angkan nila Datu Dinaganda at Datu Manoo.

Ang angkan ng mga Dinaganda ay may nag-iisang anak na dalaga na nagngangalang Marikit. Ang dalaga ay maganda at mabait. Mahal siya ng kanilang nasasakupan sapagkat siya ay matulungin at masayahin. Marami ring mga kalalakihan ang nanliligaw kay Marikit.
Read the rest of this entry »

Man Upon the Cross by Conrado V Pedrocha

Upon the cross against the hills of the night
They nailed the man, and while
they speared his breast they made him drink the bile.

He bore the pains alone, alone
But in the hallowed darkness saw
Sweet Mary’s face upturned in grief below.
Read the rest of this entry »

It’s A Mens World

Beverly W. Siy

Unang nagka-mens ang kapatid kong si Colay kesa sa akin. Ten years old siya noon at ako, magtu-twelve. Sabi ng mga pinsan ko, nauna raw si Colay kasi mas mataba siya at mas aktibo sa paggalaw-galaw kesa sa akin.

Naging sentro ng atensiyon si Colay noong araw na reglahin siya. Lahat kami, nasa labas ng kubeta, naghihintay sa paglabas ng “bagong” dalaga. Pagbukas ng pinto, itong stepmother ko, biglang pumasok. Hinanap niya ang panty ni Colay sa loob ng kubeta. Gulat na gulat si Colay siyempre.

Bakit? Tanong niya sa stepmother namin.

Read the rest of this entry »

Gabay ng Guro para sa Ikaapat na Markahan

Teachers Guide for Fourth Grading week 31 and 32

 
Read the rest of this entry »

Sipi mula sa “Ampalaya (Ang Filipinas 50 Taon Makatapos ng Bagong Milenyo)”

ni Reuel Molina Aguila

Upang basahin ang kapalaran ng mga bayan,
kailangang buklatin ang aklat ng kaniyang kahapon.
At dahil diyan ay inuulit namin at uulitin kailanman, na,
samantalang may panahon ay lalong mabuting pangunahan
ang mga hangarin ng isang bayan kaysa pahinuhod; ang una’y
umaakit ng kalooban at ng pag-ibig; ang pangalawa ay
umaakit ng pagpapawalang-halaga at ng poot.
(Ang Filipinas sa Loob ng Sandaang Taon – Read the rest of this entry »

Kwento ng Gamu-gamo sa Lampara

Pinagsabihan ng inang gamu-gamo ang kanyang anak na huwag lumapit sa apoy ng lampara para hindi siya masunog ngunit hindi nakinig ang anak. Siya ay lumipad at naglaro malapit sa apoy ng lampara at walang anu-ano ay nahagip siya ng apoy at namatay. Kung nakinig sana ang anak sa kanyang ina, sana ay hindi siya napahamak.

Hari ng Tondo Lyrics at Upuan Lyrics

HARI NG TONDO

GLOC-9

kahit sa patalim kumapit isang tuka isang
kahig ang mga kamay na bahid ng galit
kasama sa buhay na minana isang maling
akala na ang taliwas kung minsan ay tama
ang hari ng tondo hari ng tondo
baka mabansagan ka na hari ng tondo
hari ng tondo hari ng tondo ohhh
baka mabansagan ka na hari ng tondo
Read the rest of this entry »