Salawikain: Philippine Proverbs with English Translation


Kung sino ang pumutak ay siyang nanganak.
He who cackled is the guilty party.

Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.
United we are strong, divided we fall.

Matibay ang walis, palibhasa’y magkabigkis.
A broom is sturdy because its strands are tightly bound.

Walang palayok na walang kasukat na tungtong.
Every pot has a matching lid.

Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.
To a fearless person, no fence is high enough.

Ang bayaning nasusugatan, nagiibayo ang tapang.
A patriot who is wounded becomes more courageous.

Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang.
Plenty are they who act brave because they are many, but they lack resolve.

Kung ano ang puno, siya ang bunga.
Whatever the tree, so is the fruit.

Kung walang tiyaga, walang nilaga.
If you don’t persevere, you can expect no reward.

Kung may tinanim, may aanihin.
If you plant, you harvest.

Huli man daw at magaling, naihahabol din.
It is never too late to offer anything that is good.

Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
What good is the grass if the horse is already dead.

Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
A desperate person will grab at a knife.

Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
A sincere invitation is accompanied by a pull [of the hand].

Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
A person who is outwardly calm has anger raging inside.

Kapag apaw na ang takalan, kailangan kalusan.
When the pot runs over, you need to spill some.

Kung di ukol, di bubukol
If it is not relevant, it makes no difference.

Kung may isinuksok, may madudukot.
If you stash, you have something to withdraw.

Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
When the sheets are short, one needs to make do.

Ang magalang na sagot, nakakapawi ng pagod.
A respectful retort wipes away weariness.

Ang mabigat ay gumagaan, kung pinagtutulungan.
A heavy burden is lightened if everyone participates in carrying it.

Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
Spend lavishly and you end up with nothing.

Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
No matter how long the procession, it still ends up in church.

Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
Life is like a wheel; sometimes you are on top, sometimes you are in the bottom.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malangsang isda.
He who does not love the national language is worse than a smelly fish.

Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw.
A quitter never wins, a winner never quits.

Malaking puno, ngunit walang lilim.
A heavy tree trunk but it has no shade.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Mercy resides in God; deeds are in men.

Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
It is one thing to be a person, to have a personality is another.

Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.
What one learns in childhood he carries into adulthood.

Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
Whoever talks much never does much.

Daig ng maagap ang taong masipag.
The early bird beats the industrious person.

Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing, saka ng maluto’y iba ang kumain.
I did the threshing, I did the cooking, but once served, someone else eats it.

Kunwaring matapang, bagkus duwag naman.
Acts tough but really a wimp.

Bago ka bumati ng sa ibang uling, uling mo muna ang iyong pahirin.
Before you point out others people’s shortcomings, correct your own first.

Walang naninira sa bakal kundi sariling kalawang.
Nothing destroys iron but its own corrosion.

Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik.
Nobody who spits upward does not spit on his face.

Di lahat ng kagalingan ay may dalang katamisan.
Not all goodness brings sweetness.

Di lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan.
Not all badness are a sign of evil.

Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.
Emulate what is good, ignore what is bad.

Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
One who believes in gossip has no self-discipline.

Malakas ang bulong kaysa sigaw.
Whispering a gossip is louder than shouting it.

Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.
There is no earthly bliss not watered by tears.

Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan.
True well-being is found in happiness, not in prosperity.

Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluat.
Forthrightness ensures lasting relationship.

Kung saan ang hilig duon mabubuwal.
To wherever one leans is where he ends up.

Yaong mapag-alinlangan, madalas mapagiwanan.
A quarterback who hesitates usually misses a completion.

Nakikita ang butas ng karayom, hindi nakikita ang butas ng palakol.
He sees a minor fault but misses the larger achievement.

Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.
One who is choosy ends up with the least attractive choice.

Ano man ang gawa at dali-dali ay hindi iigi ang pagkakayari.
Hasty work results in faulty work.

Ang taong walang pilak ay parang ibong walang pakpak.
A person who has no money is like a bird without wings.

Mainam na ang pipit na nasa kamay kaysa lawing lumilipad.
Better to have a tiny bird in the hand than a soaring eagle.

Ang araw bago sumikat nakikita muna’y banaag.
Early dawn precedes sunrise.

Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.
No undertaking is difficult if pursued with perseverance.

Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala.
Never trust a stranger.

from: http://www.angelfire.com/

* Ang isip ay parang itak, Sa hasa tumatalas. (The mind is like a knife, it is honed by sharpening.)

* Kuwarta na, naging bato pa. (It was already money, but it became a stone.)

* Bibig na natatakpan, hindi papasukin ng langaw. (A mouth that is covered will not be entered by flies.)

* Kung anong bukang bibig ay siyang nilalaman ng dibdib. (What is constantly talked about is what’s inside the heart.)

* Mabuti pa ang kubo, na nakatira ay tao kaysa mansiyon na nakatira ay kuwago. (A nipa hut where a person lives is better than an mansion lived in by an owl.)

* Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo. (What use is the grass if the horse is dead.)

from http://www.filipinasoul.com

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ‘di makakarating sa paroroonan.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.

Daig ng maagap ang taong masikap.’

Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.

Pag ‘di ukol ay ‘di bubukol.

Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.

Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.

Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.