Sinisinta Kita
Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino
Kung ang sinta’y ulilahin
sino pa kayang tatawagin
Kung hindi si Neneng kong giliw
Naku kay layo sa piling
Malayo man malapit din
Pilit ko ring mararating
Huwag lamang masabi mong
Di kita ginigiliw
Ginigiliw kitang tunay
Alaala gabi’t araw
Pag di na natatanaw
Puso ko’y nalulumbay
Sinisinta kita,
di ka kumikibo,
akala mo yata,
ako’y nagbibiro;
saksi ko ang langit,
sampu ng kanduro,
kundi kita sinta,
puputok ang puso.
Sinisinta kita
ng sintang patnubay,
patnubay na sintang
walang katapusan;
madurog ang bato,
magbangon ang bangkay,
walang ibang sinta,
kundi lamang.