UP Department of Filipino tumatanggap na ng aplikasyon para sa Malikhaing Pagsulat.
Application Deadline: Feb. 28, 2014
Tumatanggap na ang UP Department of Filipino ng aplikasyon para sa SERTIPIKO NG MALIKHAING PAGSULAT SA FILIPINO (SMPF) para sa Akademikong Taon 2014-2015.
MGA KAHINGIAN SA PAGPASOK SA SMPF:
1. Nagtapos ng High School o mga bukas sa pagpapatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo mula sa pagiging fieshman sa kolehiyo
2. Pagpasa sa qualifying test at interview na ibibigay ng Deparlamento sa takdang panahon
3. Nasagutang application form
4. Certified photocopy ng High School Report Card (Form 137), may GWA na 85 (lst-3rd year High School at lst-3rd quarter ng 4th year)
5. Halimbawa ng mga nagawang akda (kombinasyon ng dalawa hanggang tatlo mula sa mga sumusunod):
a. tula
b. maikling kuwento
c. maikling sanaysay
d. kuwentong pambata
e. nobela o nobeleta
f. dula
g. teleplay o iskrip sa pelikula
6. Halimbawa ng mga sulatin o maikliing akdang nailathala sa school paper o/at sa ibang publikasyon, kung mayroon
7. Rekomendasyon mula sa isang dating guro sa larangan ng panitiknn, wika, o/at malikhaing pagsulat
8. P400.00 na application fee (non-refundable, marapat munang isumite ang application form at mga kahingian bago magbayad)
9. Agreement Letter sa pagitan ng Departamento at Estudyante ukol sa mga rekisitos at pribilehiyo sa pagpasok sa kursong SMPF
10. lnterbyu ng Tagapangasiwang Komite sa Sertipiko ng Malikhaing Pagsulat (Para sa mga matatanggap na aplikante)
11. Pagapatibay ng Tagapangasiwa sa Programang Di-gradwado
12. Pagpapatibay ng Tagapangulo ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP)
13. Pagpapatibay ng kaguruan ng DFPP
14. Pagpapatibay ng tanggapan ng Dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura
Paalala: ang mga numerong 3-7 ay dapat may 6 na kopya. Tiyaking may 6 na set na nakalagay sa tig-iisang folder na nakasuksok sa isang envelope. HINDI tatanggapin ang mga aplikasyon na hindi kumpleto ang mga kahingian at bilang ng mga kopya. Lagyan ng pangalan ang labas ng envelope. Huwag maglalagay ng orihinal na kopya. Kopya lamang subalit may tatak na mula ito ipinakopyang orihlnal.
Mga Importanteng Petsa:
Pagtanggap ng aplikasyon – 13 Pebrero – 28 Pebrero 2014
Oryentasyon para sa mga aplikante 05 Marso 2014,2:00 n.h., DFPP AVR
Written Exam – 15 Marso 2014, 1:00-4:00 n.h.
lnterview – 22 Marso 2014, 9:00 n.u. – 5:00 n.h.
Resulta ng aplikasyon – 07 Abril 2014
Para sa application form at detalye, tawagan ang UP Department of Filipino, c/o Susan o Marie sa 9818500 loc 2123 (UP trunkline).