Archive for the 'Works Written in Filipino/Tagalog' Category

Ang Kaligayahan ng Damo

Monday, October 20th, 2014

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan. “Ginoong Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel. “Hindi,” ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang bulaklak.” Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Binibining Bulaklak, ikaw ba’y maligaya sa […]

Ang Kwento ng Bayaning si Francisco Dagohoy

Monday, October 20th, 2014

Narinig mo na ba ang pangalang Gat Francisco Dagohoy? Marahil ay hindi pa. Si Gat Francisco Dagohoy ay isa sa mga bayaning hindi lubhang pamilyar sa mga bata. Ang kanyang kagitingan ay kinikilala lalong-lalo na ng mga taga-Bohol. Si Dagohoy ay tubong Boholano. Ang pinakamahabang pang-aaklas laban sa mga Kastila ay naganap sa Bohol sa […]

Awit sa Isang Bangkay

Monday, August 18th, 2014

Isang Elehiya Ni Buenvinido A. Ramos Ngayong hatinggabi’y nais kong awitin Ang ayaw marinig ng aking Diwata; Awit na kaiba may bagong pagtingin. May dugo ng buhay may tamis ng luha Awit na hinabi ng buwang may silim. (isinumpang awit ng mga Bathala) Anila, ang awit ay ang kagandahan Na nakaayubo sa ating paligid Mabituing […]

Mga Tula para sa Sabayang Pagbigkas

Wednesday, August 6th, 2014

Ayon kay Abad (1996), ang Sabayang Pagbigkas ay isang kawili-wiling pamaraan ng pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan ng pagsanib-sanib ng mga tinig ng koro ayon sa wasto nilang tunog, puwersa at lakas. Katangian ng isang Mahusay na Piyesa 1. May sapat na katanyagan; may pagpapahalaga at kamalayang panlipunan at kasaysayan. 2. Nagtuturo ng kahalagahang moral […]

KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN

Wednesday, August 6th, 2014

Amado V. Hernandez Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa: Ang bandilang sagisag mo?y lukob ng dayong bandila, Pati wikang minana mo?y busabos ng ibang wika, Ganito ring araw nang agawan ka ng laya, Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

SABAYANG PAGBIGKAS

Wednesday, August 6th, 2014

Wikang Filipino… Sagisag ng Pagka-Pilipino Ni Ernest Genesis Mercado Guevara Tagalungsod, tagalalawigan,ang iba’y nagbalikbayan Isang lahing kinamulatan, sa isang bansa isinilang, May sariling wika na sa puso at isipa’y nakapunla Liping hindi ikahihiya dahil sa Pilipinas tayo nagmula. Wikang Filipino,hatid sa madla’y karunungan Sumasalamin sa kalinangan at damdaming makabayan, Tulay na nag-uugnay sa pagpapahayag ng […]

Pamana ng Lahi

Wednesday, August 6th, 2014

ni Patrocinio V. Villafuerte (Sabayang Pagbigkas) Di mo man sabihin, aking nababatid, Ikaw’y naglalakbay sa Bagong Daigdig; Paraisong dati’y hinanap, inibig, Alaala na lang na di magbabalik Sabay sa pagsikat ng Bagong Umaga, Naglaho nang ganap ang pangungulila; Hungkag na buhay mo’y mabigyan ng pag-asa, Ang Bagong Lipunan, may handog na ligaya.

Isang Dipang Langit

Wednesday, August 6th, 2014

ni Amado V. Hernandez (Bartolina ng Muntinlupa – Abril 22, 1952) Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin, katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay […]

Walang Sugat ni Severino Reyes

Monday, July 14th, 2014

WALANG SUGAT (Ni Severino Reyes) Walang Sugat (Tanghalang Ateneo) UNANG BAHAGI I TAGPO (Tanaggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika) Koro : Ang karayom kung iduro Ang daliri’y natitibo, Kapag namali ng duro Burda nama’y lumiliko

Pulangi: Ang Ilog na Humubog sa Maraming Henerasyon

Saturday, July 5th, 2014

Pulangi: Ang Ilog na Humubog sa Maraming Henerasyon Sipi mula sa Regional Profiles: Peoples and Places (Adarna House, 2009) Hanggang kamakailan lamang ay sa Ilog Pulangi umiinog ang mundo ng mga taga- Gitnang Mindanao. May dalawang pangunahing direksiyon lamang ang Maguindanao: ilod; pababang agos; at laya, pasalungat sa agos. Itong ilog na tinatawag ring Rio […]