Sa Loob at Labas ng Bayan kong Sawi
Francisco Baltazar (Mula sa Florante at Laura)
Sa loob at labas ng bayan kong sawi
Kaliluha’y siyang nangyayaring hari
Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.
Ang magandang asal ay ipinupukol
Sa laot ng dagat ng dusa’t linggatong
Baling magagaling ay ibinabaon
At inililibing nang walang kabaong.
Nguni ay ang lilo’t masasamang loob
Sa trono ng puri ay iniluluklok
At sa baling sukab na may asal-hayop
Mabangong ins’yenso ang isinisuob.
Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo
At ang kabaota’y kimi’t nakayuko
Santong katuwira’y lugami at hapo
Ang luha na lamang ang pinatutubo.
At ang baling bibig na binubukalan
Ng sabing magaling at katotohanan
Agad binibiyak at sinisikangan
Ng kalis ng lalong dustang kamatayan.
O taksil na pita sa yama’t mataas!
O hangad sa puring hanging lumilipas!
Ikaw ang dahilan
ng kasamang lahat
Niyaring nasapit
na kahabag-habag.